Muling Mag-Batibot!
“Huwag kayong aalis. Babalik agad ang Batibot!”
Pero hindi na sila bumalik. Marami tuloy ang hinahanap-hanap ang Batibot. Sa Internet, may kampanya para ibalik ito.
Magtagumpay kaya ang kampanya, gaya ng maikling pagkakatupad ng hiling namin noon na ibalik si Shaider?




















May 19th, 2006 at 9:26 am
supremo,
aba naman
parang pitch-in
letter para sa kapuso
network ha.
gari
May 19th, 2006 at 1:03 pm
Grabe, alala ko pa yung mga araw na pinapalabas pa ito sa amin… mga Grade 3 or 4 pa yata ako nun…
Memories…
May 20th, 2006 at 5:21 pm
Naway masilayan ko ulit si Pong Pagong at Kikong Matsing.
May 21st, 2006 at 11:02 pm
pagmulat ng mata, langit ang tuwa sa batibot, sa batibot… =P
wow, ang tagal na nun ah! di ko na nga maalala kung kelan ko huling napanood yun eh.
May 23rd, 2006 at 12:01 pm
Batang Batibot din ako. Yung mga kuya ko Sesame Street kids. Sana kung ibalik man ang Batibot, ibalik din sina Pong Pagong at Kiko Matsing kasi it was never the same nung mawala sila.
May 24th, 2006 at 1:31 am
ederic, alam mo bang nag-guest ako sa batibot at pinakanta ng “ako ang kapitbahay,kapitbahay nyo. laging handang tumulong sa inyo. kilala niyo ako, kilala niyo ako. ako ang kapitbahay, kapitbahay ninyo.”
May 24th, 2006 at 10:11 pm
Wee! batibot! Sana nga ay ibalik, para naman magkaroon uli ng palabas na pambata at may panlasang Pilipino. Puro na lang mga banyagang palabas, kaya tuloy pangarap ng mga batang Pinoy ang maging citizen sa ibang bansa.
Kapatid, kunin ko na rin ang pagkakataong ito na imibitahan kayong mga Pinoy bloggers na maging bahagi ng unang edisyon ng Philippine Blog Carnival. “It’s a weekly digest of what Pinoy bloggers are writing about.” Kahit anong blog post, Ingles o Filipino basta Pinoy ay pwede dito, tungkol sa kahit anong tapik. Nasa blog ko ang mga detalye. Bukas po ako sa mga tanong at suhestyon, Salamat!
May 25th, 2006 at 2:36 pm
I started watching batibot when I was still in Day Care Program of DSWD.
May 25th, 2006 at 10:40 pm
namimis ko na si kuya pong at si kiko matsing! hindi na ito usapan ng mga kids natin ngayon..
May 26th, 2006 at 10:36 am
Gari, sana nga mapansin ng programming, hehe.
Mark, ako rin, nasa elementary pa yata nung kasikatan ng Batibot.
Lordan and brownfeather, binawi na raw sila, eh. Sabi ipinahiram lang sila ng totoong may-ari.
Anna, kelan nga ba tuluyang nawala ang Batibot?
Myla, pareho pala tayong mas sanay sa Batibot. Di ba nga, hanggang ngayon, di ko pa kilala ang lahat ng mga tauhan sa Sesame Street.
Ma’am Jess, sana talaga, sa atin maibalik ang Batibot. Tapos, dapat magkasama kayo ni Tolits na kakanta ng Kapitbahay. Mag-a-apply rin po ako na extra, hehe.
Jhay, may punto ka. Siguro, kaya rin marami sa mga bata ngayon ang ‘di lang sa English wrong grammar, pati sa Filipino. Sige, check ko yung project mo.
SELaplana, hehe tagal na nun.
May 26th, 2006 at 2:11 pm
Sana nga maibalik nila si Kuya Bodgie at si Pong Pagong. I am so sure that my kids would enjoy Batibot like I had enjoyed them in the past.
May 27th, 2006 at 12:15 pm
totoo ba na binili ng sesame street ang rights kina pong pagong at kikong matsing kaya di na sila pwedeng gamitin?
May 27th, 2006 at 4:31 pm
naaalala ko ba ang mga batibot days… pero parang ayoko ng makita si kiko matsing! nyahaha
May 28th, 2006 at 1:51 pm
@benj – sesame street talaga ang may-ari ng rights kila pong at kiko. Sesame Street kasi ang unang may hawak ng Batibot sa Pilipinas noon.
December 15th, 2006 at 11:54 pm
sana ibalik ang batibot…naalala ko pa lahat ng mga istorya dun kabisado ko…gusto kong maranasan ng mga bata ngayon ang batibot
December 16th, 2006 at 11:12 am
Major Tom: Si Kuya Bodgie, rumaraket na lang ngayon sa McDo, eh hehe.
arvin: Mukhang may masamang karanasan ka kay Kikong Matsing, ah.
jepoy: Salamat sa pagsagot sa tanong ni benj.
jao: oo, para makapag-Batibot din ang mga bata.
January 7th, 2007 at 6:46 pm
Sana nga maibalik muli ang Batibot sa ere. Isa kc ito sa mga programa na tiyak na magiging epektibo hindi lamang sa mga bata, kundi pati na din sa mga bata sa puso. Napakaganda nitong programang ito, at dapat lamang ay ibalik. Nakakatuwa pa ang mga characters. Sa panahon kc ngayon, masyado ng hi-tech ang mga pinapalabas sa T.V., at kalimitan ay magulo, na ciang nakukuha ng mga bata, na alam nating hindi dapat. Kaya dapat lamang na ibalik ang Batibot… Mabuhay ang mga batang “Batibot” !!!!!!
January 13th, 2007 at 1:47 am
hi sana nga bumalik ang batibot may be time return batibot kc panay ibang bansa mga charcter sumisikat at cartoon alam kids ngayo plzz GMA balik mo batimot gagawa nga kami software games about batibot….
April 7th, 2008 at 8:32 pm
grabe na to,,, ibalik nyo na, basta original na characters parin…
July 3rd, 2008 at 9:01 pm
Ako gustong gusto ko , kasi nga gusto ko ring makilala ng mga anak sina pong pagong at kiko matsing …. sana wish ko lang magbalik na sila
December 7th, 2008 at 9:09 pm
gudpm poh anu poh ung website ng batibot????na pede me na maka pag download ng video nila na may kantang kapitbahay!!….d ko na maalala ung ibang lyrics ehh….ty….alvinmendiola@yahoo.com..wait ko reply nyo guys!