Miriam: Isang ina

Halos maiyak ako habang pinapanood sa TV si Miriam Defensor-Santiago kagabi. Sa halip na magagaliting senador na nasa kabilang panig sa isyu ng People Power 2, ang nakita ko’y isang inang nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang mahal na anak.

Lagi kong sinasabi na ang pinakamasakit na yatang maaaring mangyari sa buhay ng isang tao ay ang mamatayan ng kanyang anak. Mas matindi siguro ang sakit kung ang anak ay nagpatiwakal.

Nawa’y kalingain ni Bathala ang kaluluwa ni Alexander Santiago at patnubayan sa gitna ng dalamhati ang kanyang mga naiwan.

0 thoughts on “Miriam: Isang ina”

  1. Napanood ko si Miriam Defensor at ako ay labis na humahanga sa tapang niya at sa galing niyang magbitay ng mga salita. Kung sana siya at nahalal na pangulo ng Republika ng Pilipinas wala sanang mga corrupt na namumuno sa ating bansa. Seguro nga hindi magkakaroon ng matalinong mambabatas ang ating bansa dahil sa ang Pilipino ay maingitin, nuno sa pintasiro. Heto ang isang magaling na Babae, walang takot na lumaban subalit hindi mabigyan ng karapatang MAMUNO sa ating bayan. MABUHAY KA MIRIAM.. SALUDO AKO SA IYO.

  2. i love miriam even before. i idolized her being so intelligent and strong. even the death of her son, she showed strength and courage to face another dimension in life. I salute this woman of courage…

Leave a Reply