Mga pagbati at reaksiyon sa #ALDUBWedding

Naganap na ang pinakahihintay ng AlDub Nation — ang kasalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang mga tagahanga at mga kaibigan ng AlDub, pati na ang ilang celebrity at institutions, agad na nagpaabot ng pagbati sa TV characters na minamahal at sinusubaybayan ng marami. Nakakaaliw rin ang ilang reaksiyon sa kasalan.

Mismong si Maine Mendoza, binati rin si Yaya Dub — ang karakter na ginagampanan niya — at si Alden ng Kalyeserye. Tingnan ang post niya na may kasamang magandang picture ng bagong kasal:

Congratulazione, Mister and Missus! #ALDUBWedding

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Mixed emotions naman ang naramdaman ni Ate Dub, na medyo naiyak:

Si Ninang Dub, emosyonal din. Hindi siya nakadalo, pero nagmonitor siya kahit nasa kotse:

Humabol din sa panonood si Daddy Bae. Pero base sa tweet niya, tila sa TV lang siya nakibalita:

Ang maid of honor naman ni Maine, naloka. Narito ang hirit niya:

Wala sa bansa ang stylist ni Yaya Dub, pero nakibalita rin siya:

Bumati naman sa mga bagong kasal si classmate Jake ni Yaya Dub. Minsan din siyang pinagselosan noon ni Alden.

Samantala, masayang binati naman ng Kapuso singer at Eat Bulaga host na si Aicelle Santos ang kaniyang co-hosts at ang kanilang programa sa matagumpay na TV event:

Congratulations ALDUB!❤️ Congratulations @eatbulaga1979 ! #ALDUBWedding ⛪️

A photo posted by Aicelle Santos (@aicellesantos) on

Ang makatang si Lang Leav at ang partner niyang awtor na si Michael Faudet, may mga tula para sa AlDub Nation:

Full coverage naman ang live-tweets ng GMA News sa Twitter:

Ang GMA Public Affairs, humihirit na ng isa pang kasalan:

Si Tina Panganiban-Perez na certified AlDub Nation, iTINApat na bago mag-Eat Bulaga ang kaniyang exercise para makapanood ng kasalan. Nainip siya sa paghihintay sa wedding kiss:

Eh, nabitin dahil nahimatay si Lola Nidora kaya…

Nakunan naman ng Kapuso reporter na si Raffy Tima ang pinakahihintay na wedding kiss. Galing sa kaniya ang featured photo ng post na ito. Salamat, Raffy!

Hirit tuloy ni Sandra Aguinaldo kay Raffy Tima:

Si Mariz Umali, sumubaybay rin sa kasalan sa TV:

Si Nelson Canlas, may video ng AlDub pagkatapos ng kasalan:

Si Mav Gonzales naman, tumalon daw ang puso:

Ang kaibigan ni Alden sa totoong buhay na si Kristoffer Martin, tiniyak na dadalo siya kapag totohanan na ang kasal ng dalawa:

Si Direk Cesar Apolinario, maghihintay rin sa totoong kasalan:

Bumati rin si Aubrey Carampel:

Siyempre, hindi mawawala ang pabebe wave post mula sa pasimuno ng panunuksong nagbunga ng pag-iibigan:

Isang masayang pabebe wave

A photo posted by Allan K (@allan_klownz) on

Ang official hashtag na #ALDUBWedding, hindi lamang sa Pilipinas naging top trending Twitter topic; nag-number one din ito sa buong mundo.

Narito naman ang iba pang greetings and reactions:

Congratulations to the newlyweds @mainedcm and @aldenrichards02! ❤️ #ALDUBWedding

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

http://twitter.com/OppoPH_/status/789641028080902148

Samantala, napanood n’yo na ba ang same day edit wedding video mula kay Jason Magbanua?

Leave a Reply