Mga Makata Para sa Pagpapatalsik kay Gloria

Natanggap ko sa e-mail ang imbitasyong ito:

Inaanyayahan ang lahat na pumunta sa isang gabi ng pagbabasa ng tula at malayang pagpapahayag hinggil sa pagpapatalsik kay Gloria Macapagal-Arroyo. Gaganapin ito sa Martes, Nobyembre 29, 2005, 7-9pm sa Conspiracy, Visayas Avenue. Ang poetry night ay pinasisimunuan ng UP AWARE o UP Alliance Working for Arroyo’s Removal. Ang mga nakatakdang magbasa ng mga tula mula sa antolohiyang Truth and Consequence: Poems for the Removal of Arroyo ay sina Dr. Bienvenido Lumbera, Dr. Joi Barrios, Prop. Romulo Baquiran, Prop. Danton Remoto, Prop. Adelaida Lucero, Prop. Duke Bagulaya, at marami pang iba.

Para sa mga katanungan, laluna iyong nais na masama sa listahan ng mga tutula sa gabing iyon, makipag-ugnayan kay Mykel Andrada sa 0915-4413324 o di kaya’y sa mykelandrada[at]gmail[dot]com.

Naku, sa tingin ko, delikado ang gawaing ito. Pagpapatalsik kay Gloria? Parang ayoko ata. E kung matalsikan ako ni Gloria? Mahirap na.

Joke lang, Mykel. Hehehe.

0 Replies to “Mga Makata Para sa Pagpapatalsik kay Gloria”

Leave a Reply