Mga balitang techie

Dahil napagana ko na ang koneksyon ng Macbok ni Mhay at ng Nokia phone niya, at gamit ko na ngayon ang Smart 3G sa pamamagitan nito, narito ang ilang balitang techie:

  • Update: Kababasa ko lang ng balitang ito sa PC World–binili raw ng Google ang Zingku, isang mobile social networking site.
  • Maaari nang sa Western Union kunin ang kinita sa Google Adsense ang mga Pilipinong publishers. Nalaman ko ang magandang balitang ito tungkol sa tinatawag na “Philippine Google Economy” sa blog ni Yuga.
  • Mula naman sa blog ni J. Angelo, nabalitaan kong puwede na ring tumanggap ng pondo ang PayPal accounts ng mga members na nasa Pilipinas. Masama ito para sa Xoom, na hindi nagbayad dati ng referral fee ko.
  • Nasa www.makapalm.com na ang Palm blog ko. Ang latest entry ko ay tungkol sa bagong Palm Centro.

Samantala, balik muna ako sa pananaliksik.

3 thoughts on “Mga balitang techie”

  1. Magandang balita yung tungkol sa Western Union, kabayan! Yung tungkol naman sa PayPal, ibig bang sabihhin nito ay pwede na tayong makapagwithdraw ng pera sa pamamagitan ng credit card o debit card?

Leave a Reply