Marky Cielo, 20

Marky Cielo bilang Zaido Green
Marky Cielo bilang Zaido Green

Pumanaw kanina ang artistang si Marky Cielo, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal.

Si Marky Cielo, 20, artista ng Kapuso Network, ay sole survivor ng Starstruck season 3 noong 2006. Bukod sa paglabas sa TV shows, magaling din siyang dancer.

Gumanap si Marky na Alexis del Mundo o Zaido Green sa palabas na Zaido: Pulis Pangkalawakan. Based ang Zaido sa istorya ng paborito kong Shaider, na sikat na sikat sa Pilipinas noong 1980s.

Nagluksa ang maraming Pinoy fans ng Shaider nang pumutok sa Pilipinas ang balitang namatay na si Hiroshi Tsuburaya, ang aktor na gumanap bilang Alexis o Shaider, noon pang 2001. Biyernes Santo noong 2002 naman nang gulatin ang bansa ng pagkamatay ng aktor na si Rico Yan habang natutulog.

Narito ang statement ng GMA Network, galing pa rin sa PEP:

Bandang alas 10 kaninang umaga sa Antipolo Doctors Hospital ay idineklarang dead on arrival ang young actor at Starstruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.

Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kanyang pamilya.

Tubong Mountain Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, at itinanghal na Sole Survivor sa Season 3 ng Starstruck. Hinangaan siya sa kanyang husay sa kanyang pag-arte at pagsayaw.

Huli siyang napanood sa Startok, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health.

Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na to sa kanilang buhay.

Una kong narinig ang balitang balitang ito kay Mark, na tinanong ako agad dahil siguro dati akong taga-GMA. Basahin din ang isinulat ni Mica at ni beldandi-fairycha, isang fan ni Marky.

Ito naman ang ang isang video tungkol kay Marky na naka-post sa YouTube:

20 thoughts on “Marky Cielo, 20

  1. Condolence to his family too… Mabait na bata at mapagmahal sa nanay si Marky… They went to our shop to treat his mother…. (One Proud Mama Segment) ….. From Asian Massage Inc.

  2. when i heard the news about the death of marky..i was really shock … i cant believe…but thats life…all of us will also experience the same….nauna lang si marky…salamat sa mga panahong pinasaya mo kami through your talents…..good bye and we will really miss you…..

  3. The 1st time I heard the news, sunday, I was in totally shock because I am not expecting that will happen to him. At that young age, it was really a disgrace because there’s no such news we heard that Marky cielo has this ot what so ever some kind of a sickness or disease. lets just hope that wherever marky now is, I hope that he is in peace and solemnly with Our God Creator. Condolence for their family, its a trial in us on how we can overcome such kind of big problems and just be strong because I know his always beside you, watching you and guiding you.

  4. grbe,shocks ako kse i really really like marky cielo,galing pa sa dance floor,mlakas ang dating nya,sobra!i watched his dance no.together with mark herras on pnpc awards,but i seen him parang sad un face nya nun sumasayaw xa iba yun aura nya!d gaya nun ibang shows nya when he dance tlga sobra nkangiti.maaliwalas un face nya..but i never thought na ganun agad mngyayari sa buhay nya..but he will be an angel now kse mabait xang tao,may plans cguro c God sa knya sa kabilang buhay…pero malaki xa kawalan kse xa un taong may sense of energy and humor…sayang tlga xa!well marky im your fans also,ilove u khit dmko kilala,,…ill pray for your soul!condolence po sa family nya,..marami po nagmamahal kay marky kse marami po taong natouch sa knyang galing t sobrang pilipino dating!

  5. Oh my i was so shock when i heard about marky ceilo… at the age of 20 many opportunities to come but in god’s well marky has in our creature behind… hndi ntin maalis sa ating isipan ang taong npamahal n rin sa atin… .. nakaklungkot tlga mawalan ng mahal sa buhay… my youngest sister also died last August 25, 2008 at the age of 18.. sobra.. npkhirap tanggapn but we all know nasa heaven n cla…condolence po sa family ni marky.. we loves you all..

  6. GRABE KGULAT..ANG GLING GLING NYA P NAMNA.WAT KYA REASON Y HE PASSED AWAY.NWEI U’LL ALWAYS REMAIN IN OUR HEARTSS.ANG GLING MO SALUDO KMI SAU.

  7. SUPER NAKAKAGULAT PO ANG NANGYARI KY KUA MARKY.SUPER. CONDELENCE PO SA FAMILY NIA. JUST OLWAYZ REMEMBER THAT GOD IS OLWAYZ DER 4 US AND LHAT PO NG NANGYAYARI AY MAY REASONS. WE WILL MIZ U KUA MARKY. I WILL OLWAYZ PRAY 4 U

  8. God has a PURPOSE kaya nagyari o nangyayari tong mga bagay na ito sa atin. Whatever that PURPOSE only GOD knows. CONDOLENCE poh sa CIELO FAMILY. BE STRONG! STAND FIRM and ALWAYS REMEMBER and CHERISH yung mga time na ksama nyo pa c MARKY. GOD BLESS you GUYS!

  9. I was very shocked when I heard the news last week. My deepest sympathy and condolences for the family, relatives, friends, and fans. I was not very ascertain what the cause of death is. However, lets just pray for him and for the fast acceptance of his family. Lets not further tarnished his name by blurting nonsense issue about his sudden death. Gossips will not help in this mournful moment.

    Furthermore, I just want to react towards what ABS-CBN did, particularly the news team of the said network. What they did is very inhuman. Network rivalry makes no point here. Marky is one of the showbiz personalities needed to be respected mostly at this important time. Lets respect the decision of the family. What TV Patrol did by revealing Marky’s dead face in the national television was very unethical. We should act as human not as an animal. We should at least know ethical standards and the right for privacy and dignity. The ABS-CBN management should made an action towards the one who did that inhuman act towards Marky Cielo’s wake. The head of that certain news team must be punished for being ruthless. ABS-CBN must act not only a network searching for profit but a network with a heart. What is the sense of their advocacy being a Kapamilya? This tragic incident prove them nothing but shame. I’m a more Kapamilya inclined audience. I often watch Kapamilya shows, but upon hearing this…I am very upset and disgusted!!!!!

    Let’s pray for him and for his family!!!

  10. Natatandaan ko nung mag show ang cast ng shaider sa SM Marilao. Kinukulit akong pilit ng 2 kong anak (6&8 yrs old) gustong gusto nilang makita si Marky Cielo. Lahat ng palabas nya walang mintis na pinapanood namin. Talagang nagulat kami at di parin matangap….Mamimiss ka namin!

  11. miss pa rin kita hanggang ngayOn MArky!!! khit 2013 na!! hinayang na hinayang ako sayo cguro kung naging isa rin ako sa statruck cguro ikaw ang maGIGing BESTFRiEND ko!!!

    anG GALing galing mo sumayaw!! kung alam mo lang dalawang araw ko na pinapanood ang mga videos mo hanggang alas tres ng madaling araw ..iyak ako nang iyak!! dko mapigilan tlga!!! miss na miss na miss na miss na miss na miss na MiSS na KiTA!!!!!!!! SOOOOOOOOOOOOOOBRAAAAAAAAAAAAAAAAhh !!!!!!!!!! khit dmo ko kilala naGing iNSPiRASYON ka sakin at mananatiLing iNSPiRASYON ka d2 sa PUSO maGpakaiLanman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  12. miss pa rin kita hanggang ngayOn MArky!!! khit 2013 na!! hinayang na hinayang ako sayo cguro kung naging isa rin ako sa statruck cguro ikaw ang maGIGing BESTFRiEND ko!!!

    anG GALing galing mo sumayaw!! kung alam mo lang dalawang araw ko na pinapanood ang mga videos mo hanggang alas tres ng madaling araw ..iyak ako nang iyak!! dko mapigilan tlga!!! miss na miss na miss na miss na miss na miss na MiSS na KiTA!!!!!!!! SOOOOOOOOOOOOOOBRAAAAAAAAAAAAAAAAhh !!!!!!!!!! khit dmo ko kilala naGing iNSPiRASYON ka sakin at mananatiLing iNSPiRASYON ka d2 sa PUSO kO maGpakaiLanman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Post a reply