in Pelikula at Telebisyon

Kung di mo pa napapanood ang online series na “FindHer” ng Stories by PLDT-Smart, maaari mo na rin itong abangan sa cable TV simula ngayong gabi.

Matutunghayan sa “FindHer” ang paghahanap ng pag-ibig sa panahong ito ng online dating apps. Sina Barbara Ruaro (“Dog Days”), dating “Pinoy Big Brother” housemate Dionne Monsanto (“Glorious”), at Vance Larena (“Bakwit Boys”) ang mga bida sa nakakikilig pero nakatatawa ring seven-part series. Magko-conspire kaya ang universe para matagpuan nila ang kanilang The One, o may ibang twist sa kanilang kuwento?

Ipalalabas bilang one-hour special ang “FindHer” sa Colours, ang lifestyle and entertainment channel ng Cignal Digital TV, simula ngayong Pebrero 16, Sabado, 9 p.m. Ire-replay rin ito sa susunod na dalawang araw — Pebrero 17 (11:30 a.m. at 5:30 p.m.) at Pebrero 18 (3 a.m. at 1 p.m.).

Ang Colours ay nasa Channel 60 (SD) at Channel 202 (HD) ng Cignal. Nasa Channel 40 (SD) naman ito sa SatLite at Cablelink subscribers.

Ang critically acclaimed filmmaker na si Victor Kaiba Villanueva (“Patay na si Hesus”) ang direktor ng “FindHer.” Isinulat ito nina Carl Chavez at Rod Marmol. Co-producer ng Stories by PLDT-Smart ang Epicmedia at Bent & Buzz.

Para sa mga walang Cignal, sa mga di na makahintay, o sa mga gustong kiliging muli, narito ang unang episode ng “FindHer” sa YouTube:

Post a reply