Malu Fernandez

August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

“Balasubas” dapat ang pamagat ng entry na ito. Kaya lang, nang hinahanap ko na ang tiyak na kahulugan ng balasubas, parang mali yata ang naisip kong salita, kaya ginamit ko na lang ang pangalan ng taong paksa ng sulating ito.

Pasakalye muna: Kaninang tanghali, nagpakuha ako ng blood pressure sa clinic ng opisina namin. Okay naman, normal. Natuwa naman ako. Pero ngayong gabi, muntik na yata akong ma-highblood. Kasi naman, si Noemi, nag-twit ng “Boycott Manila Standard. Malu Fernandez reminds me of someone.” Na-curious tuloy ako kaya pinuntahan ko ang link na kasama ng twit niya.

Napadpad ako sa Tingog.com, naintindihan ko ang twit ni Noemi, bumilis ang tibok ng puso ko at medyo nanikip ang dibdib ko.

Isang article na isinulat ng isang Malu Fernandez sa People Asia June 2007 issue pala ang pinagsimulan ng kampanyang boykot na ito. Kinopya ko sa Tingog.com ang ini-scan na mga pahina–i-click lamang para mabasa ang buong dalawang pahinang artikulo:

Ikinukuwento ng pasosyal na kolumnista ng Manila Standard Today ang kanyang bakasyon sa Boracay at sa Greece at kung paanong nakasalamuha niya sa pamilihan at sa eroplano ang mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat. Narito ang ilang bahagi ng article:

However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of the OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.

While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of “HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?” Translation: “Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?” I though I had died and God had sent me to my very own private hell.

On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air.

Nakakapikon, di ba? May followup article pa siya. “Funny” raw ‘yung isinulat niya. Hindi ako natawa.

Pero hindi lang ako na naha-high blood sa mga isinulat ni Malu. Si Selvo ng Nomadic Thoughts ay tumaas din ang presyon ng dugo, at ganoon din siguro sina Schumey, Pedestrian Observer, Sparks, at Jae.

Kung sakaling makasalubong ninyo o makasakay sa economy class si Malu, pakibigyan na lang ng gas mask. Baka mabahuan siya sa mga anakpawis na tulad natin. Kung ayaw tanggapin, bigyan ng blade–yung may kalawang.


Ad: Outstanding winter coats 2012 are always very demanded in relevant seasons and motorcycle gear get here. Guys also appreciate gloves selection. Besides affordable duffle coat are also highly appreciated by trend setters. You can find here VCP-510 certifications material guide you as well.


360 thoughts on “Malu Fernandez”

  1. Sa totoo lang….

    Nasira araw ko dahil sa kanya. Talagang napamura ako habang binabasa ko yun. Grabe, the neeeerrrrvvveeee!!! Ano siya, trying hard cofibean? Nakakataw? (Pero sa totoo lang, di naman ako natatawa o natutuwa kay cofibean dahil di ko siya maintindihan hehe).

    Witty, my arse.

  2. @Shari: Naaliw pa nga ako kay cofibean, e. At least, alam mong nang-aasar lang at patawa lang ang pagiging uber coñito niya.

    @Aileen: Ang puso mo, ang puso natin. Pero napainom nga ako ng dalawang mug ng tubig sa inis. :p

  3. “While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs)…”

    Maybe because she was too huge to fit in the seat? Ad hominem, sorry.

    Sabi nga, may kalalagyan ang mga tao (? hindi — insulto ‘to sa mga totoong tao) na tulad n’yan. Naalala ko tuloy sa kasaysayan, noong panahon ng tagumpay ng rebolusyong Pranses, may pinaglagyan nga sila — sa mga basket yata?

  4. Sabi nga ni Jae:

    Totoy kumilos ka, baligtarin ang tatsulok. Katulad mong mga dukha ang ilagay mo sa tuktok.

    Now na, Totoy. Nakakabadtrip eh.

  5. kung ako ke malu fernandez,,, nagpakalunod na lang sana ako sa boracay beach or nung nasa airplane sya tumalon na lang sana sya…

    aba’y nakikita dito sa tabatsyoy na to na panget na nga sya, panget pa ang ugali!

    Hello malu! DI KA KAGANDAHAN IHA PARA MAG INARTE NANG GANYAN!…

    TSEHHHH!

  6. Nakakatawa, kasi nagpapakasosyal sha, pero yung mga brands na gamit niya (like Adidas, for one; NO OFFENSE) is not really that high end. I mean, ang dami niyang choices to choose from, like Prada, Tod’s, Gucci, LV, etc..

    17KGs full of ACCESSORIES? Dapat mga pills at pampapayat effects nalang nilagay niya dun. SAYANG ANG SPACE!

    And, I think that a real socialite does not mention/think of money. (read the last statement/s).

  7. Thanks anak for making my day. Parang pinunit kasi ang puso ko ng mabasa ko yung sinulat niya. Sa panahon na kailangan ng mga bayani, ‘eto, sinasalo ng mga OFWs ang responsibilidad na sana’y ‘di sila ang bubuhat. Tapos may mga taong ingrata sa laki ng sakripisyo ng ating mga kababayan.

    Maraming mayayaman ang gumagawa ng tulay upang maiahon ang mga maliliit sa kahirapan. Konting inspirasyon ay ‘di pa niya naibigay. Puwede namang hindi na niya sinulat yung side comments niya. Hindi siya nagpapatawa bagkus nanglalait na.

    ‘Di kaya ng sikmura ko na panoorin siyang wasakin ang damdamin ng mga bayani natin. Salamat sa post mo. Masaya kami ni Nick.

  8. nakakagulat ang nagenerate na outrage at righteous indignation ng babaeng to. virtually from all sectors — mapaestudyante, OF, aktibista, professionals, etc. Di ko na nga maisip kung sino pa ang tinutukoy nyang “found the article hilarious.”

    p.s. hi ederic! classmate kita nung college di ba? musta na? haha, may shout-out pa talaga. 🙂

  9. fat and FATbulous….

    the way u delivered ur speech at ur column awed allot. so the saying goes “THERE IS NO SUCH THING AS A NEGATIVE PUBLICITY”, the fat bitch rode it all the way. but hey, dont be a SOCIAL CLIMBER. fat ass bitch!

    ur just an freakin FAT EMPLOYEE of that newspaper who EARNS IN PESO DENOMINATIONS not dollars and owns a little or too few asests and in credit card debt.. so u know.

    bitch!

  10. sus kayabang naman ng taong ito. e baka dapat diyan e manirahan na lang sa ibang bansa.

    ano kayang masasabi ng mga foreigner kapag na trap sa isang eroplano kasama ang sandamakmak na malu fernandez?

    the plane became so small because of her! we had bruises on our legs because her thighs were all over us.

    (diyos ko, patnubayan nyo ang pag iingles ko!)

    amen.

  11. Ano ba yan?! Kakatapos lang ng kontrobersya sa blogosphere tapos narito ang isa pang mas masahol?

    Nawala tuloy ang ginaw kahit malamig, gusto kong sunugin ang Manila Standard sa kabilang bahay ng tiyahin ko!

  12. hmmm. OFW ako pero di ako nainis. natawa lang ako sa kanya na may halong konting awa. ganito ang tingin ko: columnist sya, nginarag siguro sya ng boss nya to come up with something witty. easiest solution: make fun of others. it was a failed attempt to come up with something witty and funny at the expense of the OFWs.

    Di man lang ako naapektuhan ng sinulat nya. Kakaawa lang kasi she sees the world that way. Must be hell for her when she realizes that there’s a very different world outside her bubble.

  13. Now ko lang nabalitaan ito ah. Hmmm… can somebody email me the full article or give me the link?

    Based on what is written in this article, bad nga ‘yung mga sinulat niya. But I want to reserve my opinion for now about the whole thing because I haven’t read the full article yet. Pero babalik ako to leave my comment. 🙂

  14. OFW rin ako at nakaka-badtrip ngang basahin ang kanyang isinulat. Even if I read her explanation a lot of times, I still don’t feel why it is necessary to make fun of her countrymen. Ang pamumuhay sa ibang bansa upang kumita ng pera ay isang sakripisyo di lamang para sa mga pamilya namin kundi para na rin sa ating bayan. Sa katunayan, karamihan sa mga OFW ay walang intensyong mangibang bayan pero dahil na rin sa pangangailangan ay napilitan sila.

    Maraming mga taong nasaktan at iyun ay hindi masosolusyonan ng isa pang artikulo na kumukuestyon lamang sa kaisipan ng mga taong ito, ang kanilang katalinuhan o pagbabasa ng mga mamahalin at dayuhang aklat.

    Si Malu ay isa sa mga kaawa-awang Pilipino na may galit at diri sa kanyang sariling mga kababayan sa kagustuhan na ipangalandakan sa lahat kung gaano sya nakaka-angat sa iba. Kaawa-awa.

    Kung tutuusin, sa kanyang estado ay mas marami sana syang maaring gawin para makakatulong sa ating bansa at mga kababayan ngunit mas napili nya na matahin ang kanyang mga kalahi dahil ito ay nakakatawa para sa kanyang mga kaibigan. Nakapanghihinayang.

  15. hello ederic. kaibigan ko po si vlad gonzales, at salamat sa kanya’t napadpad ako dito. babalik-balik po ako 🙂

    i-po-post ko rin ito sa blog ko ha. salama!

  16. huwag nyo apihin yan.. MODEL yan kaya naging pa-sosyal.. pagbigyan nyo na na kahit man lang sa kanyang panulat e sya ang nag-aapi.. lagi kasi sya kinukurot… lagi sinasaksak.. at iginigisa sa sariling atay at mantika…

    under contract yan sa Lydia’s tsaka sa Mila’s… LECHON!

    nagutom ako ah…

  17. I am also appalled. I couldn’t believe a kababayan will look down on a kababayan. We should apprecaiate the OFW for saving our economy. I’ve contacted some journalists with the help of my friend in the media. I hope more pressure is exerted on them.

  18. Maraming Pinoy na ganyan. Ang nakakatawa, hindi nila na-re-realize na kahit na kuskusin nya ang balat nya, hindi nya mababago ang katotohanan sa pagkatao nya. Sure ba sya na hindi iniisip ng ibang tao na hindi sya “domestic helper”? Pag nasa abroad ka, ibahin mo dapat ang pananaw mo. Hindi ibig sabihin na amoy pawis ang tao ay “mahirap” na. Kasi lalo na sa first world countries, ang magsasaka ay mayayaman at land owners. Ang mga cashier sa gasoline station ay may ari ng gasolin station. Ang mga nagsisilbi sa restaurant ay enterpreneurs at business managers. Hindi mo dapat dalhin ang mentalidad ng Pilipinas sa ibang bansa. In fact, ang domestic helpers ay mga taong pinag kakatiwalaan sa mga mahal nila sa buhay. Maraming Filipino domestic helpers, ang tingin nila sa sarili nila ay mataas, dahil pinagkakatiwalaan sila at kumikita ng salapi, na minsan mas higit pa sa office workers. Kaya wag natin silang husgahan.

    Si Malu ay “pseudo-rich”, pseudo-intellectual. Kung titingnan ang sinusulat nya, wala kang mapupulot kundi makita ang hidden desire nya na makakuha ng pag hanga ng kapwa nya, na sya ay makilala bilang “mataas” at kakaiba sa lahat. Yan ang mensahe ng sinusulat nya – “mataas ako sa inyo”. May problema sya sa kaisipan kaya kailangan nya ng tulong.

    Kung sa abroad sya susulat nyan, sa tingin ko ire-recommend sa kanya na mag attend ng counselling sessions. Wag din natin syang kamuhian, kasi kulang ang exposure nya at kaalaman. Kung di nya kayang magbayad ng isang psychiatrist, dito sa Canada, the land of domestic helpers, etc. , ay baka malibre sya. Tsk tsk tsk. Kailangan nya ng tulong….. kawawa naman.

  19. Another comment…. Aba, di bale na mag amoy AXE at Charlie cologne ako wag lang mag amoy malansang isda na tulad nya. Di bale na na mag domestic helper ako kung mabubuhay ang ilang tao sa Pilipinas dahil sa kasipagan ko, kesa naman sa magpaka baboy ako at mag sulat ng basura.

    Ang tunay na mayaman ay edukada, at ang tunay na edukasyon ay yung tinuturuan kang magpakumbaba at magmahal ng kapwa, yung mauunawaan mo at mararamdaman ang paghihirap ng iba, at malalaman mo na ikaw pala ay marami pang dapat matutunan.

    Kung titingnan mong maigi ang mga sitwasyong binaggit nya – sa Dubai kung saan nagbebenta ang mga Pinoy OFWs ng pabango at cell phone, hindi ba napakagandang pangitain? Hindi ba ibig sabiohin nito ay business minded ang mga Pinoy at dapat lang na matuwa sya dahil nakakita sya ng masisipag na Pilipino? O baka naman mas gusto pa nyang makita ang mga di-pormang tao sa airport na kung tumingin sa kapwa ay mula ulo hanggang paa? Payo ko lang kay Malu, don’t be so full of yourself hija. Napakaliit ng mundo mo.

  20. paki sabi kay malu fernandez na yung amoy air freshener na yan ay mas malaki pa ang silbi kaysa sa kanya at sa kung ano man ang nagawa niya dito sa mundo kung meron man.

  21. sana nga naglalaslas na lang siya ng pulso! although di tayo makakaganti sa kanya personally pag nagsuicide siya (ala hitler.) dapat paupuin siya sa gitna ng isang Ever Gotesco mall, tapos pipila ang sambayanan para kutusan siya. hinayupak na babaeng yan. hindi ganyan maging diva!

    and why the hell was she in economy class anyway? a person of that girth has special needs! dapat sa floor na lang siya so she will not get bruises on her fat legs.

  22. Pagkabasa ko ng article, kumulo talaga ang dugo ko sa kanya. Palibhasa, ang father ko ay OFW kaya sobra na lang ang naramdaman kong lungkot at awa para sa lahat ng OFW. Nagtitiis silang magtrabaho sa malayo tapos lalaitin na lang ng kung sinong mahaderang sosyalistang dabyana na si Malu…

    Oo nga pala, hindi sa kanya bagay ang blade. Sa laki ng braso nya ang kailangan nya itak!

  23. First time na nabasa ko ang article ni Malu Fernandez, i was not upset, rather, na-awa ako kasi she looks like “special child”, para bang may genetics deficiency, pero when I read further, hindi pala, so I posted a comment to nick’s site, it goes like:

    Malu Fernandez should have brought her PIG PEN when she boarded the plane, para nagkaroon siya ng sarili niyang lugar sa loob ng eroplano!:) para sana nakaiwas siya sa mga OFWs!:)

  24. Ah, so ito pala ‘yung “tababoy” na binabanggit nu’ng kelan lang. Nakanangbaka. Anlakas niyang manlait, ni hindi ba niya alam na maraming OFW ang nagtitiis sa ibang bansa para lang maitaguyod ang kanilang mga pamilya? Na ang kayamanang kanyang tinatamasa dito sa bansa natin ay iniambag din ng mga OFW? Na ang iba sa kanila ay minsang iniuuwi nang naka-kahon nang dahil sa pagtupad ng pangarap?

  25. Parang mas akma yata sa titulo ng kaniyang artikulo ang “fat and flabs” dahil na rin sa mga walang kwenta niyang mga pinagsusulat. Mapanlait sa iba at sa kapaligiran niya (Boracay) kaya dapat parusa sa kaniya eh lipo sa bibig.

    Hindi ba nya alam ang malaking tulong ng OFW (tulad ko, kaya ako’y napikon na rin) sa ekonomiya ng bansa? Ang kapal talaga…

  26. While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs

    ah, sa taba niyang yan, buti nagkasya pa siya sa upuan ng eroplano?

  27. It is revolting..and sad….hindi ako makakapayag na isang babae na nagsusulat ang mamlalait sa bansa ko at mga ofws..

    kelangan bang banggitin ang havianas..at adidas terrain..

Leave a Reply