MakaPalm, atbp

Hindi ako nakakapag-blog dito sa ederic@cyberspace nitong nakalipas na mga araw. Binabalak ko kasing sagutin muna ang mga isinulat ng ibang bloggers tungkol sa guro ko, si Prof. Luis Teodoro, sabihin niyang dapat mag-blog ang mga journalist upang magsilbing halimbawa sa ibang bloggers.

Samantala, nitong mga nakalipas na araw ay madalas ang updates sa MakaPalm.com, ang tech blog ko. Doon ko na ipino-post ang mga kwento’t balita ko tungkol sa aking Palm Treo 650, sa Ubuntu Linux, sa Google, at iba pang techie things. Sana bisitahin din ninyo.

Bagamat Pinoy Palm users ang primary audience ko sa MakaPalm, dahil sa Entrecard (may utang pa ako kay Aileen!) at sa tech topics ay maraming naliligaw na galing sa ibang bansa. Kaya napa-praktis din ang English ko roon. Sinusubukan ko rin ang monetization at SEO tips na nababasa ko kina Sel, Marghil, Jezhlau, at iba pa.

Sa ibang usapin, abangan at samahan kami sa susunod na Bloggers’ Kapihan sa May 24, 2008. Susunod na ang mga detalye.

5 thoughts on “MakaPalm, atbp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *