Ang bakasyon ko nitong nakalipas na Mahal na Araw ay puno ng mga pagbabalik-tanaw sa mga nakalipas na panahon at ng mga paalalang sa sumapit na buwan ng Marso, ako rin, isang taon bago magtatlumpu ay–‘ika nga ni Markku–nawawala na sa kalendaryo.
Pagdating ko sa Marinduque, nang bumili ako sa tindahan ni Ate Ana, naabutan ko roon ang isang kabataang lalaking sa una’y akala ko’y ang isang pinsan ko. Siya pala ‘yong anak ng isang kapitbahay naming nasa ibang bansa. Nang kumustahin ko siya, nalaman kong nagtapos na siya ng kolehiyo at may asawa’t dalawang anak na. Siguro’y mga pitong taon ang tanda ko sa kaniya, at ang naaalala kong mukha niya’y sa paslit na sipunin pa!
Sumunod na bumili sa tindahan ang isang second cousin kong dalagita. Sa una, akala ko’y siya ang isang ate niya. ‘Yon pala, siya ang pinakabunso, na dati ay maliit na batang ‘di pa nga nagsasalita.
Imposibleng ‘di ko nakita ang mga batang ito sa mahigit isang beses sa bawat taong pag-uwi-uwi ko sa Ipil sa nakalipas na 13 taon mula nang magkolehiyo ako sa Maynila. Pero ang nakatatak sa alaala ko’y ang mga hitsura nilang alam ko noong doon pa ako nananatili sa amin.
May mga ilang bagay pa namang ‘di nagbabago, gaya ng mga tradisyon sa amin. Kabilang sa mga tila ‘di nagbago ang prusisyon at ang mga santo at santang inililibot sa bayan. Iyon pa rin ang alam kong estatuwa ni Veronica at ng Madre Dolorosa. Hinabol-habol ko rin si Maria Magdalena. Ang mga morion, at ang mga batang takot o kahit paano’y ilag sa kanila. Pero high tech na kami. Ang mga morion, hinahabol na ng cellphones at digital cameras.
Noong Biyernes Santo, nakita at kinausap ko si Ka Melecia, isang kasamahan ng Mama ko sa pagiging katekista sa simbahan noong nabubuhay pa siya. Pagkalipas ng siguro’y may 20 taon, at sa kabila ng kanyang edad, katekista pa rin si Ka Melecia. Natuwa siya’t naalala ko pa siya. Maliit at payatot pa raw ako noong kasama ako ng Mama ko. Gumandang lalaki raw ako, hehe.
Nang paalis na ako sa Sta. Cruz, habang naghihintay ng iba pang maisasakay ang pampasaherong van sa harap ng simbahan, hindi iisa ang nakita kong kumukuha ng litrato ng lumang simbahan namin.
Dinalaw ko sa kanilang kumbento si Sister Paula, ang kaibigan naming madre. Binigyan niya ako ng stuffed toy na kabayo noong maliit pa ako. Dati’y matagal siyang nawala sa parokya namin dahil nadestino siya sa ibang lugar. Pero ngayon, mukhang sa amin siya ulit nang ilang taon pa. Malapit nang maging santo ang Pilipinong obispong nagtatag ng kanilang order, ang Misionary Catechists of Saint Therese.
Nakita ko rin sa may simbahan ang maalagang guro ko sa grade one at pinakauna kong guro. Retired na siya ngayon, at kung tama ang pagkakaalala ko sa sinabi niya, mag-aasawa o nag-asawa na ang anak niyang babae na kasing-edad ko. Halos taon-taon ko ring nakikita si Ma’am Gracia sa bayan dahil nga lagi rin siyang nasa simbahan, pero iba pa rin ang pakiramdam na malamang retired na ang dating teacher ko.
Pagbalik sa Maynila, dumalo naman ako sa isang kitaan kasama ang mga pamangkin ng lola ko. Umuwi kasi ang dalawang tiya ko galing sa Germany. Ang isa sa kanila, sabi’y 14 na taon pa lang daw ako nang huli niyang makita. Sabagay, naglalaro pa ang kambal niya nang huli silang umuwi sa Marinduque. Ngayon, mga teenager na sila, at ‘di ko pa rin muling nakikita.
Bakasyon. Senti.
Pero gaano man kahaba ang isulat ko tungkol dito, iisa lang ang punto: Bakit hindi maaaring bitbitin ang magagandang tao at bagay sa buhay ko ngayon, at isama sila pabalik sa nakalipas na ipinaaalala ng lahat ng ito?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
March 2, 2023
PETA Celebrates Pamela Anderson’s Animal Activism
“From the Philippines to her home country of Canada, Pamela Anderson has made…
December 3, 2022
Peace advocates call for impartial probe on death of Ericson Acosta
Pilgrims for Peace mourns the death of Ericson Acosta, poet, journalist, and…
alam ko kung saan ka nakatira hayop ka
Sige, saan ako nakatira?
ang yabang mo kasi baka gusto mong wakasan ko buhay mo
Ikaw ang pumunta rito at nag-comment ng kagaguhan. Inano ba kita?
ba gusto mong ipa deport ko ang dalawang mong tiya at hindi nasila makabalik ng buhay
Tinatrack ko na ngayon ang IP address mo at ire-report kita sa PNP at sa Interpol kapag hindi ka tumigil.
kung gusto mo barilan na lang ano papalag ka
Ikaw na lang mag-isa.
eh ngayong octobre papalis na ako papuntang paris france
Sige, umalis ka na. Dun ka na lang, ha?
eh ano naman kung 14 taon na sya sa germany bakit nang iingit kanga tarantado ka hayop ka
Huh?
Masm mayaman pa pala tito ko sayo limampung taon na sya sa germany kunga baga beterano na sya
Kayo na. Kayo na ang mayaman!
Eh kung galing tiya mo nang alimanya bakit ganyang kapangit ang bahay nila
Kayo na. Kayo na ang maganda ang bahay!
hi edric, balak ko sana pumunta next month. planado na kaso hindi yata matutuloy ulit .. musta na? ingat
Ang tanda na natin, tsk. 😉
markku’s last blog post..By the mountains…
Hi Ederic, matagal ko ng sinusubaybayan itong blog mo. Nakatira na ko sa Los Angeles, CA. Di ko matiis na mag-comment, nabanggit mo kasi ang pinsan ng Nanay ko na si Sr. Paula. Matagal ko na siyang di nakikita simula pa noong paslit pa ko sa Atimonan, Quezon. Huli ko syang pinadalhan ng Christmas Card nitong Disyembre. Sana mabanggit mo pangalan ko pag nagkita uli kayo.
[…] umuwi ako sa atin noong Mahal na Araw, sumali ako sa prusisyon, naglitrato at nanghabol ng mga morion. Kailangan siyempre ang larawan ng […]
“Bakit hindi maaaring bitbitin ang magagandang tao at bagay sa buhay ko ngayon, at isama sila sa nakalipas na ipinaaalala ng lahat ng ito?”
Bakit hindi? Hindi dahil sa nagbago ka na sa antas at pananaw sa buhay, hindi na sila naging bahagi ng buhay mo. Ang magagandang alaala ng kabataan natin ay bahagi ng kung sino tayo ngayon, at napakasarap balik balikan ang nakaraan, lalo na kung sa tingin natin ay nakakalimot na tayo sa pagkataong inihubog ng pamilya natin.
Sana isa na akong retiradong mang gagawa. Makikita mo na lang ako bilang Hermana sa simbahan, tatawaging Aling _______, at magiging aktibo sa lahat ng gawain sa bayan namin sa Calatagan, Batangas. 🙂
ang saya-saya naman andaming litrato. na-miss ko ang prusisyon at maraming “tradisyong” isinasagawa tuwing mahal na araw sa bayan namin sa Pampanga. hindi ako umuwi eh. natulog lang ako sa bahay namin dito sa Rizal 😛