Mag-nominate na sa Tatt Awards 2012

Tatt Awards 2012Nai-nominate mo na ba ang paborito mong blogger o social media personality sa Globe Tatt Awards 2012? Kung hindi pa, kilos na ngayon dahil hanggang sa Miyerkoles, Mayo 23 — na lang ang nominasyon.

Kinikilala ng Tatt Awards ang social media celebrities at influencers na nagbigay-inspirasyon, namuno, at nagdulot ng positibong pagbabago sa ating mundo. Ang Tatt Awards ngayong taon ay inilunsad sa Buddha Bar sa Makati noong Abril 25.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakadalo sa mga pagtitipon para sa mga blogger, kaya natuwa ako nang matanggap ko ang paanyaya ni Francis Tan ng Globe sa launch ng Tatt Awards. Noong nasa Yahoo! pa kasi ako, di ako masyadong uma-attend sa blogger events sa kakulangan ng panahon.

Chuck Dreyfus, Kevin Yapjoco, Ederic Eder
Chuck, Kevin, at ako (Kuha ni Jonver David)

Pagdating sa Buddha Bar, umikot muna ako at naghahanap ng mga kakilala. Maya-maya’y napadpad ako sa mesa na kinaroroonan ng mag-asawang Chuckie at Yen Dreyfus. Sa wakas, matapos ang matagal-tagal na ring Twitter interactions, na-meet ko na rin si Yen. Nauna ko nang nakilala nang personal ang celebrity survivor na si Chuck, na nagpasimula noon ng WordPress Pinoy bloggers group.

Nasa mesang iyon din si Kevin Yapjoco ng Bespoke Man, ang blog na dapat basahin ng mga kalalakihang nais madagdagan ang kaalaman sa maayos na pananamit at pagpapapogi.

Sa Tatt Awards 2012
Sa Tatt Awards 2012 (Larawan mula sa Facebook account ng Globe)

Sa kanila na ako nakitambay at nakitikim ng mga pagkaing ihinain. Dumating din sa umpukan namin ang ilan pang bloggers — ang iba’y kilala ko na online at ang iba’y mga bagong kakilala — gaya nina Sonnie Santos, Jonver David, Jackie Go, Mark Macanas, at iba pa.

Nalaman ko rin later in the night na nasa table rin namin ang mga kabataang cybercelebrities na sina Jamich (real-life couple na sina Jamvhille Sebastian at Paolinne Michelle Liggayu) at Kimpoy Feliciano.

Sina Tim Yap at Ashley Rivera, mas kilala bilang Petra Mahalimuyak, ang hosts. Inisa-isa nila ang mga kategorya sa Tatt Awards at ipinakilala ang Tatt Council o board of judges.

Narito ang mga kategorya at maikling description ko at ang iba’y sinamahan din ng posibleng nominee:

  • Stylisimo Award – ang pinakamagaling na blogger o social media user sa larangan ng fashion
  • The Explorer – para sa mga mahihilig mag-#itsmorefuninthephilippines
  • Game Changer – para sa mga atleta at eksperto sa palakasan
  • Visualizer – kung astig ang mga larawan mo sa Flickr, pwede kang ma-nominate sa kategoryang ito
  • #Thought-Mover – may napa-trend ka na bang hashtag? Maaari kang maging nominado sa kategoryang ito
  • Video Slinger – ito naman ang category para sa mga susunod na YouTube superstars
  • Indie Rocker – para naman ito sa mga musikerong gaya ni Johnoy Danao
  • The Advocate – paparangalan naman sa kategoryang ito ang bloggers at social media personalities na gumamit ng Internet para sa magagandang adhikain, tulad ng Yahoo! Pitong Pinoy awardee na si Jay Jaboneta
  • Tech Junkie – para sa mga apo ni Lola Techie
  • The One – Ang Pinaka!
John Carl, Jamich, at Kimpoy

Dumating kasama ni Maria Ressa at ng mga kasamahan sa Rappler ang kaibigan kong si Michael Josh Villanueva, na host noon ng HIT, ang pinakaunang Web show sa bansa.

Nakakuwentuhan ko rin ang ilang blogger friends at cyberfriends gaya nina Poyt Salazar, Rick Manzano, Tonyo Cruz, John Carl Gozun, at Noelle De Guzman.

Nakita o nakausap ko rin ang ilang pang bloggers gaya ni Mike Abundo, Kring Elenzano and her Korean boyfriend Jimmy Kim Yong-jin, Vince Golangco, Andrew Buenaviaje, The Lost Boy Lloyd, at Alexei Rivera.

Ipinakilala ni Miggy Chavez ng ChicoSci ang Tatt Council, o ang board of judges na pamumunuan ni Dong Ronquillo, head of the Tattoo Nomadic Broadband Business:

  • Maria Ressa, Rappler CEO & executive editor
  • Mikey Bustos, Filipino singer, comedian, and YouTube sensation
  • Tim Yap, TV Personality-columnist and style guru
  • Francis Brew, former music director for the rock station NU107.5 FM and musician
  • Loi Landicho, aka The Professional Heckler, multi-awarded humor blogger and one of Tatt Awards 2011 winners
  • Wig Tysmans, one of the most sought-after corporate, fashion and advertising photographers in the Philippines
  • Raymond Gutierrez, TV Host, editor, columnist, endorser and actor
  • Rovilson Fernandez, model, host, magazine editor and sports enthusiast
  • Gio Tingson, commissioner to the National Youth Commission and outstanding student leader
  • Pao Peña, Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP) vice president
Sa Lola's Best
Bloggers sa Lola’s Best

Pagkatapos ng programa, kumain at nagkuwentuhan muna kami nina Poyt, Rick, Tonyo, Kevin, at Alexei sa Chick-Boy.

Sinundan pa ito ng paghahanap ng bukas na coffee shop, na nauwi sa panlilibre ni Poyt at masayang alaskahan sa Lola’s Best.

Salamat muli kina sa Francis Tan, Coy Caballes, Winston Almendras, at Dong Ronquillo ng Globe. Congrats sa matagumpay na launch.

Huwag kalimutan, bukas na ang deadline ng Tatt Awards nomination.

Leave a Reply