Ligtas si Pow, naalis si Apple

Kakatapos lang naming manood ng Philippine Idol. Nakakakaba nang mapasama sa bottom 3 si Pow Chavez at si Apple Chui na isa pa sa top 3 bets ko. Parang ano ba yan? Bakit ganun. Kasama nila sa bottom 3 si Ken Dingle.

Napahiyaw ako nang i-announce ni Ryan Agoncillo na safe si Pow. Nakahinga kami nang maluwag.

Sa kabila nito, sobrang nakaka-disappoint nung matanggal si Apple. Isa siya sa pinakamahuhusay sa grupo.

Ganyan yata talaga. Parang pulitika. Basta may botohan, di laging ang pinakamaayos ang nangingibabaw.

By the way, maya-maya, palabas na ang “Lahat, Legal Wife” sa I-Witness. Walang indyanan!

0 thoughts on “Ligtas si Pow, naalis si Apple”

  1. Salamat, Ederic, sa mga updates mo tungkol sa kung ano ang nangyayari sa Pinas. Grabe sana mapanood ko rin ang Phil. Idol, I’m sure mababaliw rin ako dito tulad ng nagsisimula pa lang ang Idol series pero sa ibang bansa. Mas naniniwala kasi ako na mas talented ang mga Pinoy. Napanood ko si Pow sa Youtube, grabe ang ganda ng boses. Paano kaya makapanood nyan dito sa Canada? Wala ba sa TFC o GMA yan? Hehehe.

Leave a Reply