Libreng Facebook sa Smart

Mula kahapon, Hunyo 8, pwede nang ma-access ng Smart subscribers nang libre sa kanilang cellphone ang Facebook gamit ang Facebook Mobile App.

Kung naka-Smart ka, i-text lamang ang FB sa 211. Makakatanggap ka ng text message na may download link. I-click lamang ang link upang malaman kung maaaring gamitin ang app sa cellphone mo. Kung compatible ang phone mo, sundin ang instructions para makapag-FB nang libre.

Kailangang may natitira kang balance na piso para magamit ito. Paalala sa mga gagamit ng Facebook mobile app, macha-charge ka kapag nag-click ka ng links na nasa labas ng Facebook website.

Hanggang Hulyo 8 lamang ang libreng offer na ito.

Ayon sa Smart, may 27 milyong Facebook users sa Pilipinas at ikawalo ang mga Pilipino sa pinakamaraming gumagamit ng Facebook sa buong mundo.

“We want to encourage more Filipinos to discover the benefits of being online and on Facebook – whether for information, for entertainment, and for simply keeping abreast with the rest of the world,” sabi ni Emmanuel Lorenzana, head of the Wireless Consumer Division of Smart.

Post a reply