Let's move on

Yan ang nakita ko sa Erap.ph matapos pumutok ang balita ng pagbibigay ni Pangulong Gloria ng absolute pardon kay Erap.

Naalala ko tuloy ang mga pang-asar na chant noon ng mga tibak noon: “Erap pa rin! Erap pa rin… ang sisipain!” at “Erap’s remains! Erap’s remains!”

Inaaliw ko na lang ang sarili ko kasi wala akong maisip na isulat. Kung magdarasal naman ako para sa kapayapaan ng isipan sa gitna ng mga balitang nakakawindang, iba ang nauusal ko:

Aba, Ginang Gloria napupuno ka ng grasya.
Ang kayamanan ng tao ay sumaiyo na.
Bukod kang pinagpapala sa babaeng lahat
at pinagpala naman ang iyong anak na si Mikey.

Santa-santitang Gloria, ina ni Lion King
Ipanalangin mo na kay Bush ang iyong mga kasalanan
Ngayon at baka mamaya ay magkaisa ang bayan at paalisin ka na.
Amen.

Ewan ko. Ewan ko. Basahin n’yo na lang ang naunang entry ko tungkol dito. Samantala, eto ang bahagi ng pahayag ng mga prosecutors sa plunder trial ni Estrada:

Although justice may be tempered with mercy, mercy itself was not meant to substitute for justice. The President cannot pardon a person who makes no admission of guilt; no expression of contrition; and no offer of full restitution. Only the truly repentant deserves an once of mercy. The result of a presidential grant of absolute pardon at this time would be an act of injustice to all Filipinos.

Pero alam magtutuwad man tayong lahat sa pagngingitngit at pagtutol, isa lang ang isasagot nina Sec. Bunye:

“Let’s move on.”

8 thoughts on “Let's move on”

  1. I am strongly against President Macapagal Arroyo’s granting of executive clemency to a convicted plunderer like former President Estrada because till now he doesn’t admit to his sin. But there’s nothing we can do anymore. We should rather pray for Mr. Estrada’s spiritual, physical, mental health and well-being, for his spiritual conversion, for his return to the Truth, and for the sanctification and salvation of his soul.

    The Estrada pardon confirms that then Vice-President Macapagal Arroyo joined the public clamour for then President Estrada’s resignation not for patriotic reasons but because she was ambitious.

  2. di ba ang pardon dapat binibigay sa taong tumatanggap at umamin ng pagkakamali at may pangakong magbabago?

    Si Erap hanggang ngayon, kahit convicted plunderer sya, dine-deny na nagnakaw sya sa bayan. Nasaan ang repentance? HA?!?

Leave a Reply