Leonardo DiCaprio's The 11th Hour

Ipinapalabas pa ngayon sa dalawang sinehan sa Kamaynilaan ang The 11th Hour, ang climate change documentary ni Leonardo DiCaprio.

Ipinaliliwanag ng The 11th Hour kung paano binago ng mga tao ang klima at binalasubas ang kalikasan. Pero itinuturo rin nito kung paano tayo makakabawi sa katampalasanang ito.

Ayon sa isang AP article, mahigit isang dekada na raw nang magkausap sina DiCaprio at noo’y US Vice President Al Gore tungkol sa global warming. Ngayon, tulad ni Gore na naghatid sa atin ng “The Inconvenient Truth,” mayroon na ring sariling environmental documentary ang makakalikasang aktor na si DiCaprio.

Mapapanood ang The 11th Hour sa Glorietta 4 Cinema 4 sa Makati City at sa SM City North Edsa Cinema 1 sa Quezon City.

Eto pala ang video message ni Leonardo DiCaprio sa YouTube:

One thought on “Leonardo DiCaprio's The 11th Hour

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *