Laban, UP Fighting Maroons!

Photo by Karl de Leon from Mimi Abesamis' album at photo.ph” Hinihintay ko ang bawat laro ng koponan nating naghihingalo…”

Ganyan ang linya namin noong nasa kolehiyo pa lang kami. Paano kasi’y laging kawawa noon ang basketball team ng UP Naming Mahal.

Hah, hindi na ngayon! Mabalasik nang lumalaban ang UP Fighting Maroons ngayon.

Kahapon nga, sa office, sobrang na-excite kami sa laban ng Maroons at Blue Eagles. Nakakanerbyos! Pero sa bandang huli, nangibabaw tayong mga taga-Peyups.

Sabi nga lang ng Inquirer, “Unbelievable UP Maroons shock Eagles”. Noong 1986 pa pala tayo huling nanalo ng limang sunud-sunod na panalo. Nalagpasan ito kahapon dahil nakapagtala ng ika-anim na panalo ang UP Maroons. Nananalig tayong magtuluy-tuloy na ito.

Laban, UP Fighting Maroons!

0 thoughts on “Laban, UP Fighting Maroons!”

  1. U-nibersidad ng Pilipinas!
    U-nibersidad ng Pilipinas!
    Matatapang, matatalino
    Walang takot
    Kahit kanino
    Hinding, hindi magpapaapi
    Ganyang kaming mga taga-UP!
    U-nibersidad ng Pilipinas!

    🙂

  2. hehe ok lang yan! Kahit nahuhuli ang mga players ng UP sa UAAP hamunin nyo na lang ang mga tiga La Salle ng QUIZ BEE Tama labanan na lang ng Quiz bee ang mga players ng UP at La SALLE… =)

Leave a Reply