"Kudeta"

Maagang-maaga kanina, sinakop at tinamnan ng bomba ng may 20 sundalong nakasuot ng pulang arm band ang isang bahagi ng Ayala Center sa pagitan ng Hotel Intercontinental and the Oakwood condo-hotel.

Sa pahayag sa mga taga-media, sinabi ni Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes na ginawa nila iyon upang protektahan ang kanilang sarili laban sa pamahalaang Arroyo, na kanila nang itinatwa. Nais umano ng gobyerno na pigilan ang kanilang nalalaman.

Kagabi, ibinunyag ni Pangulong Arroyo ang pagtatangka umano ng isang grupo ng mga sundalo na magkudeta, at iniutos ang pagdakip sa mga ito.

Nais umanong ibunyag ng Magdalo, ang grupo nina Trillanes ang katiwalian sa Hukbong sandatahan. Inakusahan ng Magdalo ang AFP ng pagbebenta ng mga bala sa mga kaaway ng gobyerno, ang MILF, NPA, at Abu Sayyaf. Kagagawan din daw ng mga puwersa ng pamahalaan ang mga pambobomba sa Davao na ikinamatay ng mga sibilyan.

Ayon pa sa kanila, isang kasamahan nila ang inatasan ni Defense Secretary Reyes ng paghahagis ng bomba sa isang mosque. Nang ireport daw ito sa Malakanyang, ni hindi ito pinaimbestigahan ni Pangulong Gloria Arroyo, na ayon sa kanila ay nagbabalak na magdeklara ng batas militar ngayong Agosto.

Ngunit hindi martial law kundi state of rebellion ang idineklara ni Macapagal sa pamamagitan ng Proclamation 427. Ipinalabas din niya ang General Order No. 4 na nag-uutos sa pulisya at militar na supilin ang rebelyon.Nauna rito, binigyan niya ng hanggang ika-5 ng hapon ang mga rebelde upang sumuko kung hindi’y gagamit na ng dahas ang pamahalaan.

Ang sagot naman ni Trillanes sa posibilidad na salakayin sila ng mga kapwa sundalo:”If they feel GMA is worth dying for, then come in.”

Sabi naman ni Pangalawang Pangulong Guingona, “legitimate” ang mga hinaing at isyung ipinahayag ng mga rebeldeng sundalo pero umaasa siyang maresolba ito sa mapayapang pamamaraan.

“While we need to listen to the legitimate grievances of the soldiers who have dared to stand up for what they believe in, the greater and immediate challenge is to defuse this explosive state and resolve the crisis peacefully without bloodshed,” wika niya sa isang pahayag.

Nanawagan naman si Bagong Alyansang Makabayan Secretary GeneralTeddy Casino ng pagbibitiw nina Macapagal-Arroyo at Reyes.

“We believe this is the only way–definitely not a state of rebellion–to resolve not only the issues raised by the putschist junior officers but the equally pressing problems experienced by the majority of Filipino people under the rpesent dispensation. By resigning, Mrs. Arroyo and Mr. Reyes will prevent bloodshed,” wika niya.

“If and when Mrs. Arroyo steps down, her vice president can immediately take over and act on the grievances of the junior officers and the people in general,” dagdag pa ni Casino.

Kinikilala rin ni Akbayan Rep. Etta Rosales ang kahalagahan ng mga isyung dinadala ng mga sundalo, at aniya’y hindi dapat balewalain ang mga ganitong alegasyon.

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Sanlakas Rep. JV Bautista sa mga nagrerebelde at nanawagan ng imbestigasyon sa mga ibinunyag ng mga ito.

Sinuportahan din ng Communist Party of the Philippines ang mga sundalong nagrebelde. Bukas daw ang mga kampo ng Bagong Hukbong Bayan para sa kanila, ayon kay Ka Roger Rosal, na nanawagan din ng imbestigasyon sa mga isyung inilahad ng panig nina Trillanes.

Napaulat namang iimbestigahan ng Senado ang alegasyon ng pagbebenta ng kagamitang pandigma sa mga kalaban ng gobyerno.

Gaya nang maasahan, nagpahayag naman ng pagsuporta sa kanilang “baby” ang gobyernong US, at ganoon din ang Singapore at Australia.

Tinawag naman ni Jaime Cardinal Sin na “kaaway ng kapayapaan” ang mga rebledeng sundalo habang ang mga relihiyoso ay patuloy na nagdarasal sa EDSA Shrine.

Kaninang umaga, sabi ni DILG Secretary Joey Lina ay kakasuhan at ipapaaresto nila si Senador Gringo Honasan, na inuugnay sa mga kaganapang ito. Ngunit kapwa itinanggi nina Honasan at ng mga sundalong nag-aalsa na may ugnayan sila. Binanggit ng mga rebelde ang pagsuporta sa isang “national recovery program.” Ang programang ito ay naunang inilunsad ni Honasan. May mga raliyista naman sa Makati na may dala-dalang banner ng pagsuporta rin sa “national recovery program.”

Kanina, kanya-kanyang pa-cute naman sa media ang mga pulitikong nagsuguran sa Palasyo para magpahayag ng suporta sa administrasyon. Pati mga pulitikong ang nasasakupang lugar ay di-tuwirang apektado ng kaguluhan.

Habang sinusulat (ang unang draft ng entry na) ito, patuloy na lumalapit ang takdang oras na ika-5 ng hapon at may 50 na sa tinatayang 200 rebeldeng sundalo ang nagbalik-loob sa pamahalaan.

0 thoughts on “"Kudeta"”

  1. Tapos na daw ang krisis sa makati.. O mas tamang sabihin, tapos na ang moro morong naganap sa reaksyunaryong instituston ng ating gubyerno. Napaniwala ang karamihan ngunit hindi ang lahat. Bago pa naganap ang mga ito ay sangkatutak na kabulastugan ang naganap (isa na rito ang tungkol kay Al Ghozi). Lahat ay umaayon para sa ikakagaganda ng imahe ng ating inutil na gubyerno sa SONA na ibibigay ni Gloria Bukaka (na lahat na yata ng uri ng tratado ay tinanggap ng tinanggap). Sabagay kung hindi gagawa ng palabas ang ating gubyerno, wala nga namang buhay ang darating na SONA. Suriin ninyo na pawang ang mga salitang bibigkasin ni Arroyo ay patuloy na magduduyan sa sambayanan sa walang hanggang ilusyon.At pulos “THANKS TO THE AMERICANS” na naman ang masasabi ng administrasyong ito. Papuri na naman mga puti dahil sa umano’y kalayaan (nota bene: hindi kasarinlan) na ipinagkaloob sa atin. Nakakapang-gigil ang lahat ng mga susunod na magaganap ‘igan. Wala talagang kinabukasan sa isang bansang laging naka-angkla sa iba. At lalong walang kinabukasan ang isang bansa habang may mga taong patuloy na umaabuso at naglulunoy sa kanilang kapangyarihan.

  2. a big hoax…..iyan ang nangyari kahapon.

    si gloria, the wonder tsinelas, nagpapabango na naman.

    taktika talaga ng buraot na gobyerno.

    tsktsk.

    kaya ako, pinag-iisipan ko nang i-boykot ang eleksyon sa 2004 at tutungo ako ng tibet para kausapin ang dalai lama.

  3. para sa akin dapat muna nilang isipin ang mga maaring mangyayari bago sila gumawa ng mga hakbang. Dapat rin nila intindihin na hindi ganoon kadali ang mamuno sa isang bansa

  4. hindi naman mangyayari ang kudeta na ito kung ang namumuno ng bansa ay nasa ayos. halimbawa nalang sa isang organisasyon may babatikos ba sayo kung maganda ang pamamalakad mo? WALANG GULO KUNG MAY NANGUNGUNA SA PAG-AAYOS NITO. kaya kung ako sa kanilang lahat tutulong nalang ako sa pagsinop ng kalat ng pilipinas kesa makisali pa ako sda mga mababantot na basura na nakita na ngang nakakalat hindin pa nila magawang pulutin.

  5. ano ba pilipinas>>>>””gulo dito gulo doon”” kung iisipin mas maingay pa ang pilipinas kaysa ibang malalaki at mayayamang bansa sa mundo..na kung iisipin isa naman tayo sa pina ka corrupt na bansa at pinakamahirap!!!! bakit di nyo na lng egugul ang oras na inyong ina aksaya sa inyung ipinangakung napapako…SONA? an ang silbi nyan kung hanggang sa pangako lng tayo…ano ba naman yan…

Leave a Reply