Kopi Bun

Pagkatapos naming maghapunan sa isang bagong kainan na naghahain ng kebab, dumiretso kami sa Kopi Roti sa Tomas Morato. Ito ang in-order namin:

Ganito na ito agad makalipas ang ilang minuto:

Inaasar kasi ako kanina sa opisina. Para raw akong naglilihi–naglilihi sa Kopi Bun. Ang Twitter friends ko, kinulit ko, pati na rin si Mhay. Sabi tuloy niya, sige, bili raw kami “mamaya.” At yun nga, kanina, na-satisfy ang craving ko.

Napakasarap naman kasi ng Kopi Bun. Sabi nga namin, nakaka-heaven! ๐Ÿ™‚

Wish ko lang, maging sponsor sila minsan ng Bloggers’ Kapihan! Siguradong maraming dadalo.Eto pa ang mga mas malalamang Kopi Roti posts:

May Kopi bun/roti rin sa Michelle’s sa SM Clark. Kaya lang, nagsusuplada ang mga nagtitinda. Mayroon din daw sa Delifrance–masubukan nga.

Note: Hindi po ito paid ad.

14 Replies to “Kopi Bun”

  1. Alam mo bang may kopi bun na rin sa masscomm? Haha kaso di nga lang kasing sarap ng kopi bun ng kopi roti. Ang saraaaaap ng kopi bun sa kopi roti! Samahan mo pa ng hot tsokolate, ay naku, heaven na heaven nga!

    Haha sana nga sponsor nila BK!! Wuhooo dami pupunta nun! Libreng kopi bun!! Hahahaha… =P

  2. @Winston: Nainggit nga ako sa kanya noong mag-twit siya last week tungkol sa Kopi bun.

    @JM: Aba, improving pala ang canteen natin. ๐Ÿ™‚

  3. magsasawa ka rin dyan. walang iniwan yan sa (insert ederic’s answer here to the question: “Anong isang pagkain ang gustung-gusto mo dati pero pinagsawaan mo rin?”)

    ๐Ÿ™

  4. Sorry po, wala talaga akong maalalang paborito ko dati na pinagsawaan ko rin.

    Di kasi ako madaling magsawa gaya ng ibang tao, lalo na kung pagkain ang pinag-uusapan. ๐Ÿ™‚

  5. Sponsor ng Square Off ang Kopiroti at dun ko unang natikman ang Kopibun! ๐Ÿ™‚ Masarap nga…. Para syang butter na binababad sa tinapay. Good luck nalang sa BP mo. haha

  6. i tried the Michell’s roti a sm clark and marilao. its really good and realy cheap compaired with the roti’s at manila, aside from its expensive , the taste is not as creamy as the one in michell’s. id really go for michell’s rather than kopi roti or roti mum.

Leave a Reply