Kapag tinamaan ka na raw ng sibat ni Kupido, maging sino ka ma’y lulukuban ka na ng misteryong tinatawag na pag-ibig.

Isang araw bago mag-Valentine’s Day, niyaya ng YouScoop — ang citizen journalism arm ng GMA News — ang mga magsing-irog na magbahagi sa Twitter ng mga paborito nilang couple photos gamit ang hashtag na #KiligMoments.

Narito ang mga larawan ng ilan sa mga tumugon sa panawagan. Tunghayan ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.

Kung nais ninyong maidagdag ang inyong larawan, i-tweet lamang sa @ederic ang inyong couple selfie at lagyan ng hashtag na #KiligMoments.