Kasarinlan

Ilang araw nang nagpi-play sa isipan ko ang kantang “Kasarinlan” ni Florante:

Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa.
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya nang ganap ay mararamdaman.

Igala ang paningin sa mga kapaligiran,
maraming bagay ang maa-aring pagkakitaan.
Kasarinlan ang malagay sa matatag na kabuhayan,
paglaya nang ganap dapat maramdaman.

Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan.

Magsanay gumawa at mag-isip mag-isa,
huwag umasang mayroong mga maa-awa.
Kasarinlan ang tumindig ng walang kinakapitan,
paglaya ng ganap dapat maramdaman.

Tiyagaing abutin ang kaunlaran,
bangon na at tumulong sa bayan.
Ang isang kabuhayang may kaunlaran
ang susi sa daang patungo sa kasarinlan.

Hindi habang panahong aasa sa iba,
ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa.
Kasarinlan ay darating at ang lahat ay sasagana,
paglaya nang ganap ay mararamdaman

Kasarinlan ang magtiwala sa sarili ng lubusan.
Isang kasarinlan, isang kalayaan.

Galing dito ang lyrics.

Hmmm, hindi lang sa pambansang usapin ito puwede. Applicable rin ito sa personal na buhay, ano?

0 thoughts on “Kasarinlan

  1. Hello Ederic,

    Makakabangon lang ang bansang Pilipinas,kung
    walang mangungurakot sa kaban ng bayan at
    disiplina lang ang kailangan sa mga mambabatas
    at sa mga public servant.

    Masisipag ang mga ordinaryong mamamayang pinoy,
    at kayang iangat sa kahirapan ang pilipinas
    tulad ng bansang Japan,walang nagnanakaw,at
    walang krimeng nagaganap.

    lahat ng tao’y namumuhay ng mapayapa at ma-
    saganang buhay,dahil sila’y Independent at
    hardworking people,natutuhan nila ang moral
    lesson after WW II ,kaya sila ay matatag,sana
    isang araw ay maging ganito rin ang Pilipinas
    at hindi na muling aasa sa tulong ng ibang bansa
    ng sa ganon ay di tayo maakusahang corrupt at
    full of Bureaucrats.

    Discipline and Hardwork that’s the formula to
    this ” Kasarinlan”.

  2. ANG galing mo naman.sana meron din akong kakayahan para gumawa ng napaka gagandang mga sulatin.makakagawa man ako niyan kaso aabutan ako ng ilang milyong taon para makatapos.ano ba ang sikreto?meron nga ba o sadyang talentado ka na..galing!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *