Kalayaan

Ika-106 na Araw ng Kalayaan na raw natin ngayon. Pero maraming nagtatanong: “Anong kalayaan?” Kasi naman, kapag binasa mo ang The Act of Declaration of Philippine Independence ay makikita mo ito ang bahaging ito tungkol sa ating bandila:

“…. and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United States of America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation for its disinterested protection which it lent us and continues lending us.”

Sigurado akong hindi ganyan ang gusto ni Andres Bonifacio. (Nabanggit nga pala ang bahaging ito tungkol sa watawat sa isang artikulo tungkol kay Apolinario Mabini.)

Kunsabagay, sa pagturing ng kasalukuyang liderato natin sa Great American Nation, iisipin mong kamakailan lang isinulat iyan. Diskumpyado alng ako sa bahaging “disinterested.” Ibabahagi ko lang sa inyo ang isang kanta:

Huwad na Kalayaan

May kalayaan ba kung bayan
Ay dumaraing sa hirap?
Kung kayamanan ay hawak ng dayuhan
At masa ay salat
Kung manggagawa ay dusta
At magsasaka ay inaapi
Huwad, sadyang huwad ang kalayaan
Kung ang bayan ay ganyan.

May kalayaan ba kung bayan
Ay may gapos sa kamay?
Kung ang katotohanan
At katarunga’y nilulupig
Laksang nagtatanggol
Ay pinarurusahan at inuusig
Huwad, sadyang huwad ang kalayaan
Kung ang bayan ay ganyan.

Gapos ay lagutin, kamao ay itaas
Tumindig ka?t kamtin ang kalayaan
Hirap ay lunasan, pang-aapi ay wakasan
Ang bayan ay ipaglaban

Ang bayan ay ipaglaban.

Ayon sa Philippine Revolution Web Central, “ang kantang ito’y nilikha sa Stockade 4, Camp Crame noong Hunyo 12, 1975 upang iprotesta ang huwad na kalayaan.” Panahon pa ng Batas Militar pa pala ito ginawa. Pero parang bagay pa rin sa panahon ngayon, ‘di ba?

8 thoughts on “Kalayaan”

  1. Magkano kaya nagasta sa parada kanina para sa sinasabing Independence Day?

    Nakuha ko na pala yung invite sa gmail users forum. hahanapin ko ulit para maka-join. archive nang archive kasi nawala sa front page. he he

  2. Nakibahagi ako last year sa Independence Day Parade committee. Malaking skandalo at ang budget ay 10M. Maliit pa nga yan, kasi, ayon sa mga taga gobyerno, kuripot si GMA sa pag gastos sa mga parada.

    Tungkol naman sa watawat natin, sa tutoo lang, sa mga dating sakop ng mga kolonyal na mga bansa, ilan-ilan lamang ang “flag families,” meaning, generally, ang basehan ng mga bandera ng mga bansa ay usually: France, America, o kaya Holland or Britain.

    Ang ating watawat naman ay bahagi ng isang flag family composed of: Cuba, Puerto Rico, at of course, ‘Pinas. Ang basehan ng lahat nito ay ang mga kulay ng watawat ng America. Ang common history naman natin ng Cuba at Puerto Rico bilang mga colonya na naghimagsikan halos sabay-sabay ay makikita sa paggamit ng Triangle, bilang simbulo ng Liberty, Equality, Fraternity. Ang paggamit naman ng sun sa ating flag ay may relasyon sa mga bandera ng Argentina at iba pang mga dating kolonya ng Espanya, bilang simbulo ng kalayaan.

    Sa Cuba, na naging alipin ng America kahit naging indipendiente ito una pa sa atin, hindi nila pinalitan ang desenyo o mga kulay nito, kahit naging komunista ang kanilang bansa nung 1950s. Sa aking pananaw, kahit nakakahiya sa iba ang ibang orihen ng ating watawat, dapat tingnan natin ang ehemplo ng Cuba.

  3. Ayon kay manolo, 10M ang budget nung nakaraang taon…ngayon kaya?tiyak ko hindi nalalayo diyan sa budget na yan! Kailan kaya tayo magkakaroon ng tunay na kalayaan? Isang katanungan nanaman na mahirap sagutin at tiyak ko rin na magkakaiba ang kahulugan nito sa karamihan.

    1. Hi Pinkzsey,

      Ayon sa nabasa ko, pero ang nag-compose pala nito ay si Dr. Aloysius “Ochie” Baes noong Hunyo 12, 1975 sa Stockade 4 ng Camp Crame.

Leave a Reply