Noong isang umaga, nang mananalangin na ako bago humimlay para mamahinga, sabi ko’y ipagdarasal ko ang mga biktima ng agresyon sa Iraq. Ngunit paano ko nga ba magagawang ilarawan sa aking isipan ang kanilang sitwasyon? Paano ko mararamdaman ang kanilang takot?

Inisip kong babagsakan na ng bomba ang kanilang mga tahanan. Ano kaya kung sa akin mangyari ito? At pagkatapos ay inisip kong ang mga bolang apoy ay babagsak sa mismong bubong ng aking tahanan. Masusunog ang aking munting bahay, magkakapira-piraso ang manipis kong katawan, at tatangayin ng hangin ang aandap-andap kong kaluluwa. Huwag naman po sana, Diyos na Mahabagin! Nangilabot ako, at sinimulan na ang pagdarasal. Pinatulog ako, hindi ng aking pangingilabot, kundi ng aking puyat.

May binabasa akong ulat ni Robert Fisk ng Independent : “There is something sick, obscene about these hospital visits. We bomb. They suffer. Then we turn up and take pictures of their wounded children,” isinulat niya.

Ngunit kung ito kaya ang matunghayan mo, ano ang mararamdaman mo? Paalaala, nakaririmarim ang mga larawan. Nasasaiyo na kung nais mong tingnan. Ang pahinang iyan at ang larawan sa entry na ito ay pag-aari ng Aljazeera.net.

Ang digmaang ito nina Bush at Blair, na sinusuportahan ni Macapagal-Arroyo, ay isang kahibangan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts