Joel Siervo, 38

Malungkot ang taong ito para sa mga taga-telebisyon.

Isa na namang taga-media ang binawian ng buhay. Ayon sa mga ulat sa telebisyon, natagpuang duguan at wala nang buhay kahapon si Joselito “Joel” Siervo, 38, executive producer ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN Channel 2.

Una nang naaksidente at namatay si Hazel Recheta ng ABC-5 at ang kanyang crew pagkagaling sa Mayon coverage sa Bicol. Samantala, wala pang isang buwan mula nang bawian din ng buhay sa isang aksidente si Dan Campilan ng GMA-7.

Ngayon naman, pinatay ang isang taga-ABS. Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang mga pulis. Ayon sa pinakahuling ulat na nabasa ko sa GMANews.tv, ginamit pa raw ng mga pumatay kay Siervo ang kanyang ATM at cell phone.

Leave a Reply