James McVey ng The Vamps: ‘Chicks dig vegetarians’

“There are tons of ways that we can all help animals, and I think number one should be keeping them off our plate.” — James McVey of The Vamps

The Vamps' James McVey for PETA

Bukod sa pagiging talented, compassionate rin si James McVey, ang lead guitarist ng bandang The Vamps, ayon sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA). Lumabas kamakailan si McVey sa pangalawa niyang patalastas para sa PETA para i-promote ang kabaitan sa mga hayop sa pamamagitan ng ‘di pagkain ng kanilang karne.

Sa patalastas, sinabi ni McVey na “Chicks dig vegetarians.” Aniya, ang pagiging vegetarian o pagkain ng mga halaman lamang ay isang mahalaga at madaling paraan para mabawasan ang paghihirap ng mga hayop.

“There are tons of ways that we can all help animals, and I think number one should be keeping them off our plate,” ayon kay McVey.

The Vamps' James McVey for PETA
The Vamps’ James McVey says ‘Chicks dig vegetarians’ in new PETA advert.

Sa isang eksklusibong panayam ng PETA U.K., sinabi ni McVey na ang matatalino at sensitibong mga manok, gaya ng mga tuta, ay hindi dapat kinakain.

“Chickens are intelligent animals, just like dogs and cats. … [T]hey’re not animals that should be used for nuggets or drumsticks,” aniya.

Bukod sa pagliligtas sa maraming mga hayop mula sa pagdurusa sa factory farms, sa mga katayan, at sa mga bangkang pangisda, mapapababa rin ng pagiging vegetarian ang panganib ng pagdurusa ng isang tao mula sa sakit sa puso, kanser, at labis na katabaan. Binabawasan din nito ang ating carbon footprint.

Dahil dito, hinihikayat tayo ni McVey at ng PETA — na ang motto ay nagsasabing “ang mga hayop ay hindi sa atin para abusuhin sa anumang paraan” — na mag-order ng libreng vegetarian/vegan starter kit.

Dati nang lumabas si McVey sa isang patalastas ng PETA na nagsusulong ng pag-ampon sa mga hayop na walang tirahan. Kabilang siya sa humahabang listahan ng mga celebrity gaya nina Vivienne Westwood, Paul McCartney, Fifth Harmony, Joss Stone, at iba pa, na nakikipagtulungan sa PETA at mga kaanib nito upang i-promote ang mga pagkaing walang karne.

Para sa karagdagang impormasyon sa paglipat sa plant-based diet, bumisita sa PETAAsia.com.

Leave a Reply