Iskolar ng Bayan sa I-Witness

Tatlong mag-aaral mula sa public school na papasok ng UP Diliman ang sinundan ni Howie Severino para sa I-Witness. Dala-dala ng bawat isa ang pag-asa ng kanilang pamilya at komunidad, at ang tatak bilang miyembro ng centennial batch ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang isa ay anak ng pulis mula sa Leyte, ang isa ay anak ng fishball vendor sa Maynila, at ang pangatlo ay anak ng jeepney driver. Sila ang mga kabataang tunay na maituturing na iskolar ng bayan, sa isang pamantasang unti-unting napupuno na ng mga maykayang mag-aaral mula sa mga exclusive high school.

Makikita natin ang unti-unting paglaki ng kanilang mundo sa pagkilala ng mga bago nilang kaklase at sa pagharap nila sa ilang di inaasahang pangyayari. Ginulat sila ng mga ralyista sa kanilang freshman orientation. Ito ang tila naging hudyat ng magiging buhay nila sa pamantasan.

Danasin ang buhay ng mga “Iskolar ng Bayan” sa dokumentaryo ni Howie Severino mamayang hatinggabi sa I-Witness.

2 thoughts on “Iskolar ng Bayan sa I-Witness”

Leave a Reply