Init!

Pang-Twitter ito dapat, pero okay rin lang dito:

Napakainit!!!

Dagdagan ko na:

Pakiramdam ko nasa oven ako. Parang akong wax na tumutunas. Tumatagaktak ang pawis kahit ‘di pagod. Kahit ‘di mala-Andrew Wolff ang katawan ko, kailangan kong maghubad–dito lang naman sa bahay.

Bakit ba napakainit ng panahon dito sa Maynila? Buti pa sa Marinduque, umulan daw kagabi. Sa Baguio kaya, okay ang temperatura?

Patapos na sana itong entry nang may biglang sumigaw ng “Pogi ako!” Pero hindi ako. Siguro isa sa mga mababaliw sa init ng panahon. Makatulog na nga. Baka umulan pa sa panaginip ko.

Post a reply