Imbitado kayo sa blog launch nina Jun Lozada at Among Ed Panlilio

Mula sa Bloggers’ Kapihan:

Malugod kayong inaanyayahan ng Bloggers’ Kapihan sa magkasunod na blog launches sa dalawang susunod na Sabado. Sasamahan ng BK Crew sa paglulunsad ng kanilang blog sina Jun Lozada – ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal — at Among Ed Panlilio — ang gobernador ng Pampanga na iniluklok ng “people power” noong nakaraang halalan.

Samahan ninyo kami sa Sabado, May 31, 2008, 1pm sa Kape Tasyo sa Anonas, Quezon City sa blog launch ni Jun Lozada.

Sa Hunyo 7 naman, 30 bloggers ang dadalhin ng Bloggers’ Kapihan sa Among Ed blog launch. May libreng sakay, pagkain at pamamasyal sa Pampanga para sa mga sasama.

Abangan sa BK website ang kumpletong detalye ng mga gawaing iyan. Samantala, pakimarkahan na ang inyong kalendaryo para muli namin kayong makadaupang-palad sa susunod na dalawang Sabado.

May isinulat na rin tungkol dito si Shari, kasama ko sa BK Crew.

11 Replies to “Imbitado kayo sa blog launch nina Jun Lozada at Among Ed Panlilio”

  1. leni: ilulunsad pa lang sa Sabado ang blog niya. Pwede kang sumama sa amin kung may panahon ka. Pupunta tayo sa Pampanga. May libreng sakay, lunch at tour sa probinsya. Tapos, ibabalik tayo sa Manila bago gumabi.

Leave a Reply