Ikukulong si Imelda

Ayon sa balitang Imelda Marcos in jail next year, says PCGG official sa Inq7, tiwala raw si Ruben Carranza ng Presidential Commission on Good Government na maiikulong ang asawa ng diktador dahil sa kalalabas lamang na desisyon ng Korte Suprema na nagpasyang nakaw ang mga perang nakadeposito sa mga bangko sa Switzerland.

Sampung bilang ng corruption and 33 bilang ng kasong smuggling currency palabas ng bansa raw ang kinakaharap ni Meldy. Sana nga’y maipagtagumpay ng PCGG ang labang ito nang makatikim naman tayo ng katarungan.

Sana, tabi ang selda nina Meldy at Erap. Puwede ring sumali si Jose Pidal pag nagkataon.

0 thoughts on “Ikukulong si Imelda”

  1. magkakatabi ang mga selda nina imelda sapatos, erap bobo at jose pidal buwaya……hmmmm….

    puts@, ang siste, parang may tatlong baboy na nakakulong sa koral pag nagkataon!

Leave a Reply