Ibang klaseng video ni Katrina!

Punung-puno ang blogosphere ng entries tungkol sa sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili nitong mga nakalipas na araw. Ayaw humupa ng balita, ang bogus download links ay bumabaha, at busy pati mga pirata.

Pero kung sawa ka na sa Katrina-Hayden video at cellphone scandals, siguro’y magiging intresado ka ibabahagi kong video ng kaibigan kong si Katrina Encanto. Iba ito!

Ang video ni Katrina ay entry niya sa 48 Hour YouTube Cannes Lions Ad Contest ng Oxfam. Layunin ng contest na makapili ng short film na hihikayat sa mga tao para pumirma sa isang online petition na hihiling sa world leaders na dumalo sa UN Summit for Climate Change.

Tulungan nating manalo si Katrina. Para bomoto sa kanyang video, pumunta lamang sa www.youtube.com/canneslions at i-search ang “thecheshirecatgrin”.

Kapag nakita na ninyo ang videong ito, pakibigyan po ng thumbs-up.

Maraming salamat sa inyong tulong.

***

Nasa link na ito ang message ni Katrina, at narito naman ang ibang blogs na nagpapakalat din ng videong ito:

8 thoughts on “Ibang klaseng video ni Katrina!

  1. salamat sa post na ito. magandang blog entry ito para sa sangkatauhan, dapat ipalaganap ang mga ganitong usapin.

    gumawa na ko ng blog entry ko tungkol dito at ang ilang bahagi sa blog mo ay iniliwat ko lamang sa ibang lengguwahe. may credits naman eh. :p

  2. Maraming salamat Ederic! πŸ™‚

    Btw, made a second “Katrina” video! Hahaha. Check it out! πŸ™‚

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *