Hindi pa lumilipas ang isang buwan mula nang pumanaw si Frankie “Ka Kiko” Evangelista, beteranong brodcast journalist, sa edad na 69. Bagamat hindi agarang naitala sa mga pahinang ito ang kanyang paglisan, totoong nagdulot ito ng kalungkutan at panghihinayang.

Kamakalawang umaga, binulaga naman ang Pilipinas ng pagkasawi ni Halina Perez, 22, isang artistang gumanap sa mga sexy movies. Nabangga ang kotseng kanyang sinasakayan at nalaglag sa bangin.

Si Ka Kiko, matagumpay nang lumisan. Si Halina, nagsisimula pa lang. Pero parehong nakapanghihinayang.

Ngunit ang kaso ni Halina, mas nakapagpapabagabag.

Sabi sa akin kahapong madaling araw ni Bee, naapektuhan siya sa pagkamatay ni Halina. Ang nangyari, sabi niya, ay parang nagsasabing “At 22, maaari na rin akong mamatay.”

Para bang pupuwede nga palang kunin tayo anumang oras.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts