Grace Lee at Noynoy Aquino

Grace Lee at Noynoy Aquino
Grace Lee at Noynoy Aquino (Larawan mula sa Malacanang/Reuters/Yahoo! Philippines)

May mga nagtaas ng kilay, napaubo, at baka may mga nahulog pa nga sa upuan nang marinig ang sinabi ng radio and TV host na si Grace Lee ang ganito tungkol kay Pangulong Aquino: “He’s brilliant.. if not the most intelligent man I’ve met in my life.”

Kasi nga, di ba’t inulan si Pangulong Aquino ng mga propaganda noong kampanya na nagsasabing siya raw ay bobo o kaya’y retarded. Tapos may mga sunud-sunod pang kapalpakan ang kanyang administrasyon lalo na sa unang taon niya sa puwesto. Di kataka-takang marami ang nagkaroon ng negatibong perception tungkol sa kanya.

Pero sa mga natawa at kumukwestyon sa pagpuri ni Grace kay Noynoy, magandang itanong kung sila ba ang nililigawan kaya’t nakikilala na nila nang lubusan si Noynoy? Nakakausap ba nila nang malaliman at matagalan ang Presidente para magpasyang katawa-tawa ang description ng dalaga tungkol sa kanya? O kabilang lang kaya sila sa mga Pilipinong ayaw kay Noynoy at bomoto sa “matatalinong” kandidato noong 2010 pagkatapos ay di na naka-move on?

Narito ang video ng report sa State of Nation na may panayam kay Grace:

One Reply to “Grace Lee at Noynoy Aquino”

Leave a Reply