Google Docs Mobile

Dahil ako ang nakatokang magbigay ng pambungad na pananalita ikalawang Bloggers’ Kapihan, nagsulat ako ng burador na kako’ y isusubi ko na lang sa Palm ko para puwede kong sulyap-sulyapan kapag nagsalita na ako. Ang kaso, nakaligtaan kong ilipat sa Palm ko ang isinulat ko.

Kaya naman habang habang naghihintay na magsimula ang kapihan, paulit-ulit kong pinilit na mag-login sa Google Docs–dito ko isinulat kasi isinulat ang maikling talumpati. Yun nga lang, kahit anong hintay ko, ayaw mag-load ang pahina.

Kanina, nabasa ko ito. Noong Oktubre 17 pa lang pala pinagana ang Google Docs sa mobile phones.

Maaga pala ako nang tatlong araw.

Leave a Reply