GMA SONA Sing-Along 2008

Hindi na bago ang paggamit ng mga aktibista sa Internet at new media para isulong ang kanilang advocacies.

Pero ang video na ito sa YouTube na ibinahagi ni ka-Tinig na Vlad ay bagung-bago, at ginawa in time for President Arroyo’s state of the nation address sa Lunes:

Narito ang lyrics ng kanta:

Pangarap ko, sa palasyo ‘ka’y lumayo.
Ang tangi kong hiling ay ang paglayas mo
dahil ang wangis mo’y nakangising demonyo.
Kaban nitong bayan, lagi mong kinakamkam, di ba?

Matagal nang lipas ang iyong araw!
Pamumuno mo’y di maaasahan!
Bayan ko’y lugmok na sa ulan,
bayan ko’y lugmok na sa ulan!

Boses ng masa’y babaunin,
tagumpay ay mapapasaamin!
Di mo na kami maiisahan,
di mo na kami maiisahan!

Di na, di na, hnde, h’nde h’nde,
hindi na maiisahan! (3x)

Di na, di na, h’nde, h’nde, h’nde, h’nde

Sweldong katiting, bigas pa lang ay bitin;
presyo ng langis, pamasahe ko ang buwis.
Pilipinong hinihilo mo’y kabisado na ang kilos mo.
Maliwanag na’ng lahat, di kami pabibitag, di na!

Matagal nang lipas ang iyong araw!
Pamumuno mo’y di maaasahan!
Bayan ko’y lugmok na sa ulan,
bayan ko’y lugmok na sa ulan!

Boses ng masa’y babaunin,
tagumpay ay mapapasaamin!
Di mo na kami maiisahan,
di mo na kami maiisahan!

Di na, di na, hnde, h’nde h’nde,
hindi na maiisahan! (3x)

Di na, di na, h’nde, h’nde, h’nde, h’nde.

4 thoughts on “GMA SONA Sing-Along 2008

  1. bagay na bagay ang kantang yan sa kanya,
    dahil lahat ng sinasabi nya ay paulitulit na lang,
    umpisa pa lang ng pananalita nya sa kanyang sona
    english na, eh paano na ung mga kababayan nating
    ]walang pinag-aralan, di rin nila maiintindihan,
    sinayang nya lang ang kanyng boses,

  2. mas mabuti pang tanggalin nya ang buwis o kaya
    bawasan nya, para makatipid at mapagkasya natin nga budget
    sa mga bilihin,
    simula ng umupo si arroyo
    lahat ng bilihin nagsi taasan na, sya lang ang hindi tumataas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *