Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA

Kabataan Partylist's Feb 25, 2010 Blog Action Day on the Real Heroes of EDSABilang bahagi ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolt, inaanyayahan ng Kabataan Partylist ang mga kabataang blogger sa isang blog action day sa Biyernes, Pebrero 25, tungkol sa mga tunay na bayani ng EDSA — ang mga karaniwang tao gaya ng ating mga kapamilya.

Magandang sumali sa gawaing ito upang makatulong tayo sa pagbubuo ng kolektibong kasaysayan ng EDSA 1 mula sa pananaw ng mga di-sikat na taong sumama sa pagbawi ng ating kalayaan mula sa diktaturyang Marcos.

Ang lagi kasi nating nababasang mga tala ng EDSA 1 ay galing sa mga kilalang historyador, pulitiko, peryodista, at iba pang mga personalidad. Ngayon — salamat sa Internet at blogging — maaari na nating isalaysay ang mga pangyayari noon mula sa alaala at perspektiba ng mga taong malalapit sa atin.

Kaya lapitan at kapanayamin na sina Nanay at Tatay, Lolo at Lola, Ate at Kuya, o iba pang kapamilya at nakatatandang kaibigan, at i-blog (pwede ring i-vlog) ang kanilang mga kuwentong People Power 1! Isama na rin kung may mga litrato at memorabilia ng unang EDSA.

Narito ang buong teksto ng Blog Action Day invitation mula sa Kabataan Partylist:

Twenty four years ago, our people toppled a tyrant. On February 25, 2010 let us re-tell their stories.

On Thursday, we are enjoining all young Filipinos to blog about the stories of the real heroes of EDSA: our parents, grandparents, ates and kuyas, titos and titas, ninong and ninangs.

We may have been too young then or were not even born yet, but we can ask them to recount their tales of real-life heroism to us. What prompted them to join the uprising? What were their thoughts and feelings? What did they wear, eat, chant? How did it feel to be able to be surrounded by overwhelming unity and patriotism among millions of other heroes marching in the streets on those three historic days.

Since EDSA was mainly about the people’s resistance to martial law, you can ask them their experience during the martial law era, how they fought, even before the culmination of the people’s mass movement that was the EDSA People Power Uprising. You may also post old photos, artworks and/or anti-martial law memorabilia.

Link your blog entries to this post and grab the button below by copying the link to mark your participation. We will start posting links of entries in our website at exactly 12:00 noon on February 25.

On February 25, let us give proper honor and citation to the millions of Filipinos who made EDSA People Power possible.

Kabataan Partylist's Feb 25, 2010 Blog Action Day on the Real Heroes of EDSA

<a href=”http://s55.photobucket.com/albums/g158/adarna/?action=view&current=BADfeb25buttoncopy-1.jpg” target=”_blank”><img src=”http://i55.photobucket.com/albums/g158/adarna/BADfeb25buttoncopy-1.jpg” border=”0″ alt=”Photobucket”></a>

4 Replies to “Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA”

Leave a Reply