PBB Eviction Night Ulit

Eviction night na mamaya sa Pinoy Big Brother (PBB). Sino kaya ang mapapalayas?

Dahil ang PBB ay tungkol sa totoong buhay, hindi magandang mawala si Keanna Reeves dahil totoong tao siya; saka mawawalan ng nanay-nanayan si John Pratts at wala nang paghihingahan si Rustom Padilla.

Yung mga sawa na sa kaiiyak maya’t maya ni Roxanne Barcelo, siguradong matutuwa kung maaalis na siya, pero ‘di ba’t parang may isang taong dapat mauna sa kanya? Hehe. Saka kawawa naman si Bianca kung iiwanan ng best friend niya; baka lalo siyang mapalapit kay Zanjoe Marudo–naku, mahirap na.

Si Aleck Bovick (hello, dating textmate, hehe), mukhang gustung-gusto na talagang lumabas. Bakit di kaya siya pagbigyan, tutal miss na niya ang honey niya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *