Ely Buendia, isinugod sa ospital!

08/31/08 12:58 am update: In a text message to GMANews.TV, Dok Sergio, bassist of Buendia’s new band Pupil, said: “Ely is fine. Don’t worry.”

Ayon sa mga balita sa text, sa Twitter at Plurk, at sa GMANews.tv, isinugod daw sa ospital si Ely Buendia matapos ang unang bahagi ng Eraserheads reunion concert sa Fort Bonifacio, Taguig.

“We regret to inform you that we have to cut the concert short. My brother had to be rushed to hospital because of emotional and physical stress he is experiencing,” ang pahayag ng kapatid ni Ely na si Lali sa mga pumunta sa concert, ayon sa report ng GMANews.tv.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, sa Makati Medical Center dinala si Ely.

Noong Huwebes, pumanaw ang ina ni Ely na si Gng. Lisette Buendia o Lola Titing sa mga kaibigan ni Ely.

Noong Enero 2007, na-ospital din si Ely matapos atakin sa puso habang tumutugtog siya kasama ang kanyang bandang Pupil sa Laguna.

May report din sa Inquirer blogs tungkol dito.

Sana kaagad umayos ang kalagayan ni Ely.

Nga pala, hindi ako nakapanood ng concert.

6 thoughts on “Ely Buendia, isinugod sa ospital!”

  1. Ederic! May promo yata ang GMA dito sa Canada, mapapanood mo ang shows ng GMA sa Channel 646 pag Rogers cable subscriber ka! Pero I heard 1 month lang ito, pero halos 24 hours nakabukas ang tv namin dahil ang gaganda ng shows ng GMA 7.

  2. sayang talaga at naputol ang concert ng e-heads, pero okay lang ‘yung 15 kanta na nakanta nila, kung fan ka talaga. kakayanin pa nga kaya ang part 2? kahit hindi ako super fan ng e-heads, pero sana. =)

    me-anns last blog post..moving on

Leave a Reply