Eleksyon sa barangay

Posted by mobile phone:
Narito ako ngayon sa aming barangay–nagmamasid sa eleksyon sa barangay at sangguniang kabataan. Iba’t ibang eksena ang makikita: mga nawawalang botante sa listahan, mga kabataang nakikiisa sa eleksyon, mga may kapansanang inaaalalayan.

Siyempre kumustahan kami ng mga dati kong guro at mga kabaranggay at kamag-anak.

Kandidato ang tiyo ko at isang pinsan niya. Samantala, tambay muna kami ng mga pinsan ko sa ilalim ng punong mangga habang tuloy ang kuwentuhang pulitika.

Kayo, nakaboto na ba kayo?

4 thoughts on “Eleksyon sa barangay”

  1. Sinisiguro kong ginagamit ko ang aking karapatang bumoto at ihalal ang sa tingin ko’y nararapat na mamuno. Huwag lang sanang madaya… yun ang hindi ko na kontrolado.

    ***
    Wow, nasa province ka pala, sarap kapag kasama mo ang pamilya ano?

  2. malaya: Sarap ngang magbakasyon sa probinsya. Ang lola ko ang inuuwian ko roon. Napabalik lang ako agad sa Maynila dahil na-bad trip ako nang matalo ang tiyo ko.

    mrs.j: Nice meeting u too. Kita-kits sa mga susunod na event. 🙂

    Schumey: Buti ka pa, laging nakakaboto. Ako, di lagi dahil sa trabaho.

Leave a Reply