Edsa 4 ba kamo?

Below is the latest article in my Tembtation column in Peyups.com:

Matapos akong ma-confine ng tatlong araw sa UP Infirmary isang linggo matapos ang pagpapakabayani sa Edsa’t Mendiola, akala ninyo’y mapapasama pa ninyo ako sa isa na namang pag-aalsa? Hah, ano kayo, sinusuwerte?

Pagsayawin ninyo muna ulit si Dancing Queen. Baka malibang pa ako’t ma- engganyo. O kaya’y pagwalain ulit muna ninyo si Sisa. Pero kung ang aaya sa akin ay si Aling Lindang dada nang dada, sorry na lang, ‘tol. Hmmm, sabagay, konting-konti na lang, halos pareho na sila ng nasiraang senadora.

Pero ako’y curious lang ha? Bakit kaya galit na galit siya kay Gloria? Insecure kaya itong si Linda sa litol president nating mahilig sa tamiya? Sabi nitong una, corrupt daw itong bidang labandera. Yun nga lang, agad tumba ang anumang ebidensya niya. Hmmm, teka teka teka, di ba’t itong si Sisa, ang sabi’y “Gloria, tarandada!” Aha, alam ko na, baka si Linda at Sisa, ay super magkabarkada! O hindi kaya silang dalawa ay iisa?

Nakakatawa, pero interesting rin naman. Ano kaya’t itong sina Linda at Gloria ay live na magtarayan? Sayang, di na natin mapapapanood, magpapakabait at ngayong taon ay pa-sweet na raw kasi si Ate Glo!

Kasabay ng pagtawag sa Edsa 4, maraming tsismis na kumakalat, may magku-coup daw. Mga coupal na yan, magkakakuntsabaan na naman. Ano kaya ang papel ng mga alipores ni Asyong this time?

Ang mga hakot, susugod na naman sila sa Malacanang tapos pag nahuli na’y magpupulasan. Kawawa tuloy, di pa nakakakolekta’y madi-disperse na.

Nga pala, pati ang Simbaha’y umalma na. Dedma sila sa isa pang Edsa.

Ganun din ang Kaliwa, sawa nang mag-Edsa. I’m sure, rebolusyon ang type nila. (Nga pala, alam ninyo ba, ang gradong bigay nila sa US-friendly na si Gloria? Itlog na bilog lang naman, hehehe.)

Wala lang. Sa gitna ng usaping Edsa quatro — na siguradong gulo, magkakasama ba naman ang beterano ng Edsa 1 & 2 at makiki-jam ang May 1 Mayhem guys — o ng tsismis na kudeta, pass muna ako.

Masakit pa ang katawan ko, at hilo pa ako sa pinapanood kong mga delikadong komedyanteng pasirku-sirko.

Dito na lang muna ako.

0 Replies to “Edsa 4 ba kamo?”

Leave a Reply