Dyesebel

Mga larawan yan mula sa telepantasyang Dyesebel ng GMA-7. Napapanood ito gabi-gabi sa Kapuso Network, at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Nasa cast din sina Luis Alandy, Bianca King, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Hero Angeles, at iba pa.

Kahit pa mala-Little Mermaid (remember Captain Smallville? Hehe) minsan ang Dyesebel, nakakaaliw pa rin itong panoorin dahil kay Marian Rivera at sa makulay na mundo ni Dyesebel. Pansinin din ang makakalikasan at makahayop na mga mensahe sa palabas.

Siyangapala, sa mga hindi pa nakakaboto para kay Marian Rivera sa FHM, tuluy-tuloy pa rin ang pagboto. Dumaan lamang sa www.fhm.com.ph o mag-text ng FHM100<space>MARIAN RIVERA at ipadala sa 2948.

6 thoughts on “Dyesebel

  1. naalala ko lang yung interview ni Mike Enriquez kahapon kay Alfie Lorenzo. Tungkol sa endorsement ni Judy Ann sa MERALCO yung pakay ng interview pero nalihis ng kaunti nang maglabas ng hinanakit (kuno) si Alfie sa dating istasyon: “andami nang bawal dun ngayon ano?! Andami nang bawal sa mga artista nila ngayon… At bawal sabihin na ang Dyesebel ay 44 laban sa Lobo na 18 lang…”

    buwahahahaha!

    aajaos last blog post..ahhh… coffee!

  2. Naku, magagalit ang mga kapuso, pero ang pinanonood ko at sinusubaybayan ngayon ay yung “My Girl” ni Kim Chiu at Gerald Anderson (sorry sa plugging). Cute kasi. Hehe. Hindi naman sa nakikinig ako sa mga paninira, pero yung video ni Marian Rivera sa YouTube na tinatarayan nya yung fan medyo nakaka asiwa, pero we all have times like that naman eh. Hehehe. Usapang showbiz, peyborit ko. 🙂

  3. Hindi pa rin natitinag si Marian Rivera. Demolition job talaga ginagawa ng mga taga-ABS. In fact, sa DLSU-D, may mga naghahasik ng lagim from ABS. Desperate move? I like Lobo pa naman, pero ang sama ng ginagawa nila ngayon kay Marian particularly yung mga immature fans ni Angel Locsin.

    Magaling umarte si Marian. Akalain mo, marami akong nakitang flaws sa story at sa prod pero I still watch it. Iba talaga magic ni Marian. 🙂

    Neils last blog post..WHR

  4. aajao: Pilyo ka, ha? Hehe.

    raspberry: Kimerald fan din naman ako. 😉

    Neil: Saka galing komiks yang Dyesebel kaya adik ako.

    samjuan: Wala ka pa bang GMA Pinoy TV?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *