Dalawang Bihag ng Abu Sayyaf, Napatay

Dalawang bihag ng bandidong grupong Abu Sayyaf, sina Martin Burnham at Edibora Yap, ang napatay sa isang rescue operation sa Zamboanga del Norte ngayong hapon.

Bagamat nasugatan, ligtas na sa kapahamakan at kasalukuyang ginagamot si Gracia Burnham.

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Roy Cimatu sa isang pulong-balitaan sa Kampo Aguinaldo ang pagkamatay ng dalawang bihag ng Abu Sayyaf.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sa pagkamatay ng bihag na Amerikanong misyonero at ng Pilipinang nars.

“I am deeply saddened over the death of Martin Burnham; and one of our very own, Ediborah Yap, who were slain in an encounter between our troops and the Abu Sayyaf after more than a year in captivity.”

Leave a Reply