Che Guevara

Che Guevara

May dalawa akong bagong libro: “The Complete Bolivian Diaries of Che Guevara and Other Captured Documents” na in-edit ni Daniel James at “Guevara Also Known As Che” ni Paco Ignacio Taibo II. ‘Yung una ay nabili ko sa Avalon.ph at ‘yung ikalawa ay papasko sa akin nina Bing at Helen. Gusto ko ring mapanood ‘yung sine tungkol sa buhay niya. Naniniwala akong dapat kilalanin ang mga kagaya niyang nagsulong at nagtanggol sa mga adhikain para sa tunay na pagkakapantay-pantay. Intresado akong mas malaman ang buhay ni Che. Ayokong maging gaya ng napakaraming itinuturing lang siyang disenyo ng damit.

0 thoughts on “Che Guevara”

Leave a Reply