Published March 16th, 2003
Muling Lumilipad si Darna
Muling lumilipad si Darna, ang Pilipinang superhero na nilikha ni Mars Ravelo at namayagpag sa daigdig ng komiks, pelikula, at telebisyon mula pa dekada 50.
“Dumarating ako sa ngalan ng kapayapaan at katarungan… Pumarito ako upang labanan ang kadiliman,” ang pahayag ni Darna sa pinakabagong komiks na nagtatampok sa kanya, ang “Mars Ravelo’s Darna Golden Anniversary Book” ng Mango Comics.
Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay isang serye na may tatlong bahagi, at nilikha para sa bagong salinlahi ng mga mambabasa. Si Boboy Yonzon ang sumulat ng kuwento at ang mga larawan ay iginuhit naman nina Ryan Orosco at Gilbert Monsanto. Inilalarawan ng bagong komiks–na sa kasamaang palad ay nasusulat sa wikang English, ngunit may pailan-ilang tilamsik ng Tagalog mula sa mga terorista at alalay–sina Darna at Narda bilang makabago, maganda, matalino, at seksi ngunit matapang at palabang babae. (more…![]()

















