Arigato

Huling article para sa kolum na “Tinig” sa Pinoy Gazette na nalathala noong Hulyo 28, 2013

pgazetteHabang isinusulat ito, puspusan ang paghahanda ng iba’t ibang sektor para sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino. Ang mga taga-gobyerno, naghahanda ng mga magagandang balitang ibabahagi ng Pangulo at ikinakasa ang seguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa. Ang mga militante, naghahanda para sa mga protesta. Kami namang mga taga-media, inaayos ang lahat ng mga kakailanganin para sa aming coverage.

Nasa kalagitnaan na ng kanyang termino si Noynoy. Intresado ang mga tao na malaman kung alin sa mga pangako niya sa kampanya at sa mga nakalipas niyang SONA ang mga natupad na. Sa kabila ng pag-angat sa ilang aspekto gaya ng inuuulat na pag-unlad sa ekonomiya, pagsisikap na mapuksa ang katiwalian, at pagkakapasa ng ilang mahahalagang batas gaya ng RH Law, marami pa ring kailangang ayusin ang administrasyong Aquino.

Continue reading “Arigato”

Bisyong maling-mali

Maling-mali na pagkakitaan ang pang-iinsulto at panlalait sa kapwa-tao, lalo na sa mga wala namang ginawang masama sa iyo. At maling-mali rin na gawing biro ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Sa kanyang concert sa Araneta Coliseum noong Mayo 17, ginawang katatawanan ng komedyanteng si Vice Ganda ang timbang ng respetadong mamamahayag na si Jessica Soho. Biro ni Vice, kung naging bold star at magkakaroon daw ng rape scene si Ms Soho, dapat daw ay laging gang rape ang eksena.

Continue reading “Bisyong maling-mali”

Ang pagbibitiw ng Santo Papa

Pope Benedict XVINasa newsroom ako nang makita ng isang kasamahan ko ang balita tungkol sa pagbibitiw ni Pope Benedict XVI o Joseph Aloisius Ratzinger bilang pinuno ng Simbahang Katoliko. Gaya ng marami, nagulat ako at ‘di agad nakapaniwala.

Naging sunud-sunod na ang pagbabalita nito ng iba’t ibang major international news organizations. Maya-maya pa, nabasa ko sa website ng Vatican Radio ang buong pahayag ng Santo Papa.

Ang kanyang katandaan at humihinang pangangatawan ang nagtulak kay Pope Benedict XVI para magbitiw.

Continue reading “Ang pagbibitiw ng Santo Papa”

Pasko’t regalo

Kapag ganitong mga panahon, abala na ang marami sa atin sa pamimili ng mga pangregalo sa Pasko. May Christmas rush na, ‘ika nga. Kaming mga narito sa Maynila, nagsisisuguran sa malls o kaya’y sa mga tiangge sa Divisoria. Kaya’t subukan mong mag-Divi nang ganitong mga araw, at para kang dumalo sa pista ng Mahal na Nazareno.

Sa mga maraming inaanak at reregaluhang mga kaibigan, katrabaho’t kamag-anak, makabubuting maghanda na maaga pa lamang. Bago maging siksikan at punuan ang malls dahil sa Kapaskuhan, magandang sa unang bugso ng bonuses ay makabili na’t unti-unti nang makaipon ng mga panregalo.

Continue reading “Pasko’t regalo”

May Pajero man o wala

Nakatikim ng sermon mula sa mga senador si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margarita Juico sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng pagtanggap ng ilang obispong Katoliko ng mga sasakyan mula sa PCSO noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi kasi maipaliwanag ni Juico kung bakit tinawag ng media na “Pajero bishops” ang mga obispong nasangkot sa kontrobersiya, gayong wala naman daw sa kanilang nakatanggap ng Pajero.

Ayon sa ulat ng Commission on Audit, umabot sa P6.9 milyon ang kabuuang halaga ng pondo ng PCSO na ipinagkaloob sa Simbahang Katoliko para ibili ng mga sasakyan para sa mga diyoseses ng Cotabato, Zamboanga, Basilan, Butuan, at sa Caritas Nueva Segovia. Ang mga sasakyang natanggap daw ng mga obispo ay Nissan Pathfinder, Mitsubishi Strada, Toyota Grand Hiace, Mitsubushi Strada pickup, Toyota Hiace Grandia, Mitsubishi Montero, at Isuzu Crosswind.

Continue reading “May Pajero man o wala”