Pag-alaala kay Ka-Tinig na Alex

(Burador ng pahayag na binasa sa gabi ng parangal kay Alexander Martin Remollino ng mga makabayang makata at manunulat noong Setyembre 6, 2010 sa simbahan ng UCCP sa Cubao, Lungsod ng Quezon)

Alexander Martin Remollino

Alexander Martin Remollino, kapatnugot ng Tinig.com

Marahil, marami po sa ating naririto ngayon ay naubusan na ng mga salita sa nangyari kay Alex. Ang ginagawa na lang natin — lalo na iyong mga di nakasama si Alex sa huling yugto ng kanyang paglalakbay — ay maghapuhap ng mga alaala noong kapiling pa natin siya.

Kaya hayaan ninyong ikuwento ko kung paano namin nakasama si Alex sa website at online community na Tinig.com, na iniluwal sa inspirasyon ng People Power 2. Maaari siguro naming ipagmalaki na kami sa Tinig.com ang mga unang nakasama ni Alex sa kanyang pagtahak sa cyberspace.

Continue reading

EdericEder.com

Inabangan ko ngayong taong ito na mag-expire yung kauna-unahang domain name ko, ang ederic-dot-net. Nawala ito sa akin dati dahil hindi ko na-renew. Wala pa akong credit card noon, at laging walang pera (parang ngayon, hehe). Tingin ko, asteeg yung domain dahil first name ko lang iyon kaya’t mas maiksi at madaling tandaan.

Kahit bad trip ako sa GoDaddy dahil ayaw nila dating tumanggap ng mga credit card na galing sa Pilipinas, sinubukan ko ang domain backorder service nila. Mas mura kasi. Di kagaya roon sa malalaking company na kailangan ko ng at least $60. Ang masakit dito, hindi nila nakuha ang domain name ko. Naunahan pa rin ako ng iba. Kaya kung may lumang link kayo papunta sa ederic-dot-net, pakitanggal na lang, para di na makinabang sa backlinks ang damontres na kumuha nito.

Continue reading

Proyektong Malu Fernandez

August 27 update: Malu Fernandez vs OFWs

August 24 update: Pakibasa rin po ang Public apology ni Malu Fernandez

Habang pinag-uusapan pa rin sa iba’t ibang sulok ng Philippine blogosphere ang pagpapatawa ni Malu Fernandez, tuloy ang kampanyang boykot ng Tingog.com. Ang iba, sumusugod na sa Multiply site ng People Asia.

Ang Tinig.com naman, mayProyektong Malu Fernandez. Mula ito sa mungkahi ni Benj Espina at sumusunod sa tradisyon ng mga writing project ng Digital Filipino.

Titipunin sa Tinig.com Blog ang reaksyon ng Pinoy bloggers sa isinulat ni Fernandez. Pagkatapos, pipili ang bloggers mismo ng 10 entry na pinakagusto nila. Continue reading

Muling Lumilipad si Darna

Muling lumilipad si Darna, ang Pilipinang superhero na nilikha ni Mars Ravelo at namayagpag sa daigdig ng komiks, pelikula, at telebisyon mula pa dekada 50.

“Dumarating ako sa ngalan ng kapayapaan at katarungan… Pumarito ako upang labanan ang kadiliman,” ang pahayag ni Darna sa pinakabagong komiks na nagtatampok sa kanya, ang “Mars Ravelo’s Darna Golden Anniversary Book” ng Mango Comics.

Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay isang serye na may tatlong bahagi, at nilikha para sa bagong salinlahi ng mga mambabasa. Si Boboy Yonzon ang sumulat ng kuwento at ang mga larawan ay iginuhit naman nina Ryan Orosco at Gilbert Monsanto. Inilalarawan ng bagong komiks–na sa kasamaang palad ay nasusulat sa wikang English, ngunit may pailan-ilang tilamsik ng Tagalog mula sa mga terorista at alalay–sina Darna at Narda bilang makabago, maganda, matalino, at seksi ngunit matapang at palabang babae. Continue reading

Changes

After what seems like a long time, I was with my college friends again last Saturday. One of them arranged the meeting — in which only four, including herself, attended — to announce that she’s getting married. I wasn’t shocked although I did not expect her announcement. It was probably because when she texted me for the kita-kits, the first thing that I thought of was that most likely, she would announce that she found a boyfriend just in time for Valentine’s Day or she would be settling down.

Continue reading