Talumpati sa pagtatapos

Delivering my commencement speech at Ipil National High School on March 18, 2013.
Delivering my commencement speech at Ipil National High School on March 18, 2013.

Pinaikling bersyon ng talumpating binigkas sa ika-38 palatuntunan ng pagtatapos sa Ipil National High School, Santa Cruz, Marinduque noong Marso 18, 2013.

Sa ating mother supervisor, Ma. Shiela Saet; sa ating principal, Mr. Lino Penaredonda; kay Ninang Delia Ricamara; kay Mrs. Angie Portento Padilla at sa nariritong school heads ng ibang national high schools; mga minamahal nating guro ng Ipil National High School at Ipil Elementary Schoool; sa ating barangay captain at sa kanyang konseho; PTCA officials; mga magulang; mga kaibigan; at higit sa lahat, sa mga magsisipagtapos: isang pinagpalang umaga sa inyong lahat!

Parang kailan lang, kami ng mga ka-batch ko ang nasa inyong lugar at naghihintay na mapagtibay ang aming pagtatapos. Siyempre, masaya dahil sa wakas, natapos ang isang yugto ng aming pagsisikap at maipagmamalaki ng aming mga magulang na nairaos na kami nila sa high school. Pero gaya ng lahat ng pagtatapos, may bahid din ng lungkot dahil maaaring magkahiwalay na kami ng aming mga kaibigan, mami-miss ang mga crush na ‘di na masisilayan — aminin n’yo, kayo rin — at siyempre, ang masasayang sandali kasama ang mga mahal nating guro. Patok sa batch namin ang mga life and love advice ni Ma’am Nancy De Luna-De los Santos. Sa kaso ko, siyempre’y na-miss ko ang laging pagkonsulta kay Ninang Delia at ang reviews namin ni Ma’am Jocelyn Rey para sa Math Olympiad. Pero talagang lumilipas ang panahon, at ngayo’y nagbabalik ako bilang isang senting alumnus.

Continue reading →

Mensahe ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino

Mong PalatinoUpdate from TonyoCruz.com: Mong, as he is more popularly and fondly known, invites everyone to an afternoon of coffee and conversation tomorrow, April 25, 3:00 pm at Kape Tasyo, Anonas, Quezon City. (Kape Tasyo is Freedom Bar at daytime. It is a stone’s throw away from LRT2 Anonas Station.)

Kabilang sa mga bagong party-list representatives na iprinoklama ng Comelec kanina si Raymond Palatino ng Kabataan Party.

Dating UP Student Council chair at pangunahing lider-kabataan noong People Power 2, kasama rin namin si Mong sa TXTPower at Bloggers Kapihan. Kolumnista rin siya ng Tinig.com.

Noong 2007, dinala ng kanyang partido ang kampanya sa Internet sa pamamagitan ng Kabataan Cyber-Fever na nilahukan ng mga kilalang kabataang bloggers.

Message of Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino to the Filipino youth on the historical event of seating the first youth representative in Congress

Five years in the making for the country’s sole youth sectoral party-list, but better late than never and victory is still sweet for all Filipino youth.

Continue reading →

Pag-ahon

Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo:

Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.

Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.

Continue reading →

Valedictory address

Graduation season na naman. At dahil sa comment ni Eunice, magtatapos na valedictorian sa kanilang paaralan, at sa iba pang naghahanap ng talumpati para sa graduation, ibinabahagi ko ang talumpating binigkas ko sa Ipil National High School noong April 1995. Isinulat ito para sa akin ng isang tiya kong propesor.

Ang totoo, nagulat ako nang mabasa ko ang comment na nanghihingi ng valedictory address. Kako’y valedictorian siya, bakit kailangan niyang magpagawa sa iba? Pero nahiya ako sa sarili ko nang maalala kong hindi rin naman ako ang nagsulat ng speech ko noon bilang valedictorian ng klase. Hindi ko na maintindihan ngayon kung bakit kinailangan ko pang magpasulat ng talumpati na ako ang bibigkas.

Medyo weird na ngayon ang ilang bahagi kapag binabasa ko ang talumpati. Lalo na’t pagdating ko sa UP, kung saan wala na akong tagasulat ng talumpati, ay isa ako sa mga estudyanteng bumabatikos sa Philippines 2000.

Ang maipapayo ko kay Eunice at sa mga gaya niya, gamit ang ilang halimbawa gaya ng talumpati sa ibaba, at sa gabay ng tema ng pagtatapos nila, isulat niya ang sariling valedictory address. Magiging mas natural at mas totoo ang kanyang speech kapag ganoon — saka wala siyang mararamdamang hiya sa sarili balang araw.

Continue reading →

Maikling talumpati ng ina ni Cris Mendez

Nakuha ko ang talumpati sa ibaba sa blog ni Arbet at sa blog ni Marian Panganiban, ang kinatawan ng School of Economics sa University Student Council. Kumakalat na rin ito sa email at mga online forum.

Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Garcia Mendez, ina ni Cris Mendez, sa National Conference to Stop Hazing noong Disyembre 11, 2007 *

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang Jj Ocana na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

Continue reading →

Basura

 

Bloggers Unite - Blog Action Day

Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang malatalumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ‘ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa. Continue reading →

Burador ng Pambungad na Pananalita sa Bloggers' Kapihan 2.0

Bloggers’ Kapihan 2
October 13, 2007
Ramon Magsaysay High School-Cubao

Opening Remarks (Draft)
ni Ederic Eder, Tinig.com

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Nagpapasalamat ang Bloggers’ Kapihan Crew sa inyong pagdalo ngayong hapon.

Binuo ng BK crew ang Bloggers’ Kapihan upang magkaroon tayong mga blogger ng regular na EB–sino ba’ng di mahilig mag-eye ball dito?–na may libreng meryenda at kape.

Pero di lang ‘yan–bukod sa EB, sa BK ay mapag-uusapan din ang mahahalagang isyung may kaugnayan sa buhay nating mga Interned addict, mga netizen, at mga blogger. Layon ng BK na talakayin ang mga usaping makakaapekto sa blogosphere at sa mas malawak na sektor ng mga kabataan.

Continue reading →

May Hiya

Bahagi ito ng paliwanag ni Rep. Erin Tañada sa kanyang pagboto ng NO sa mosyong tanggalin ang isang bahagi ng House Rules:

{I]pinakita po natin sa buong sambayanan kung paano natin nilalabag ang ating sariling patakaran para lang tumugon sa pansariling interes.

Mr. Speaker, ito po ay isang nakakalungkot at nakakahiyang araw para sa malaking kapulungang ito. Para sa akin, ang tamang dapat gawin ay tutulan ang mosyon ng Deputy Majority Floor Leader.

Dan Campilan, 25

Dan Campilan sa Newsroom | Photo courtesy of Ahd MarcoDan Campilan, 25, Kapuso, passed away last Saturday, October 7, 2006 after his car collided with a passenger bus in Quezon City. His brief but meaningful life will always serve as an inspiration.

Si Danifel M. Campilan, katrabaho, Kapuso, kasama.

Kahit di kami laging nagkakausap sa opisina, dati’y kinukulit-kulit ko si Dan–pati ang iba pang mga reporter–na magpasa na ng kanyang profile para sa website ng aming kumpanya. Hinikayat ko rin siyang sumagot sa mga mensahe ng kanyang mga tagahanga sa Kapuso forums, na masigla naman niyang ginawa.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas ay kausap ko siya at ang isa pa naming katrabaho. Iyon ang mga oras na relaxed na ang karamihan sa amin matapos ang isang araw ng pangangalap at paghahatid ng balita–yung panahong patapos na ang aming evening newscast. Ang paksa ng maikling umpukan namin ni Dan: ang katigasan ng ulo ng aming mga buhok na mahirap mapasunod. “Mas malala” raw ‘yung sa akin, ‘ika niya. Continue reading →