Ano ang paborito mong kanta ni Michael Jackson?

Michael Jackson (Wikipedia)
Michael Jackson (Wikipedia)
Ano ang paborito ninyong kanta ni Michael Jackson? Ito ang tanong ng isang kasamahan ko kahapon matapos naming ibalita ang biglaang pagkamatay ng 50-year-old King of Pop.

Dahil di masyadong marami ang alam ko sa music lalo na pag foreign music (halos Eraserheads, Gary Granada at Beatles lang ang mga alam na alam ko , at kahit pa sikat na sikat si Michael Jackson, ang naisip ko lang ay “You’ve Got a Friend.” Senti yung kantang yun, eh. Para sa mga totoong magkakaibigan. Kaso, hindi pala original na kanya yun.

Noong nasa Singapore ako, ang paulit-ulit kong pinakinggan ay yung “Give Thanks to Allah.” Kahit himno ito ng ibang pananampalataya, nagustuhan ko ang music at yung English part ng lyrics. Kaya lang, mukhang hindi naman kay Michael Jackson yung kanta.

Continue reading “Ano ang paborito mong kanta ni Michael Jackson?”

Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun

FMCCNoong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands:

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disenyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.

Pero iba na ngayon. Kahit saan ka pumunta, may mga makakasalubong kang may suot na damit na ipinangangalandakan ang ating pagka-Pilipino.

Continue reading “Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun”

Ely Buendia, isinugod sa ospital!

08/31/08 12:58 am update: In a text message to GMANews.TV, Dok Sergio, bassist of Buendia’s new band Pupil, said: “Ely is fine. Don’t worry.”

Ayon sa mga balita sa text, sa Twitter at Plurk, at sa GMANews.tv, isinugod daw sa ospital si Ely Buendia matapos ang unang bahagi ng Eraserheads reunion concert sa Fort Bonifacio, Taguig.

“We regret to inform you that we have to cut the concert short. My brother had to be rushed to hospital because of emotional and physical stress he is experiencing,” ang pahayag ng kapatid ni Ely na si Lali sa mga pumunta sa concert, ayon sa report ng GMANews.tv.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, sa Makati Medical Center dinala si Ely.

Noong Huwebes, pumanaw ang ina ni Ely na si Gng. Lisette Buendia o Lola Titing sa mga kaibigan ni Ely.

Noong Enero 2007, na-ospital din si Ely matapos atakin sa puso habang tumutugtog siya kasama ang kanyang bandang Pupil sa Laguna.

Continue reading “Ely Buendia, isinugod sa ospital!”

Eraserheads reunion concert ticket at pag-iwas sa online scam

Habang naghahanap ng pinakabagong detalye tungkol sa Eraserheads reunion concert, nabasa ko sa isang Inquirer.net blog na may ibenebenta raw sa Internet na pekeng tiket sa halagang 50 libong piso. Pero mukha namang joke lang ito.

Ngunit paano kung hindi? At paano kung may mauto? Wala naman siguro. Sana naman ay wala.

Ilang buwan na ang nakalilipas, nagsulat ako sa Pinoy Gazette ng dalawang article na may tips para makaiwas sa online scam:

Continue reading “Eraserheads reunion concert ticket at pag-iwas sa online scam”