CyberSenti

Kailan ka unang nag-online? Paano ka nagkaroon ng e-mail address? Hotmail ba o Yahoo? O baka naman Tinig.com e-mail? Natatandaan mo pa ba ang pinakaunang e-mail address mo? O ‘di ka pa nagbabago? Sa kagaya kong naka-isandaang palit na yata ng e-mail address, nakaka-senti ang pagbisita sa inbox ng aking pinakauna.

Nagsu-surf pa ako noon sa SesiNet internet cafe sa Philcoa, sa bukana ng UP Diliman campus. Madalas ko pa ngang puntahan noon ang www.clairedanes.com. Nang minsang nagsa-sign up sa isang ‘di ko na matandaang online service, bad trip ako dahil wala akong e-mail address. Syempre, matulungin ang mga taga-SesiNet. Wala pa raw ba akong e-mail address? Wala pa kako. Siyempre’y iniisip ko pa noon na may bayad ang pagkakaroon nito, o mahabang proseso. Continue reading “CyberSenti”

Tito (Guingona) vs Uncle (Sam)

Vice President Teofisto GuingonaNakakalungkot itong ang sitwasyong pulitikal sa Pilipinas. Tingnan na lang ang nangyayari sa Executive Branch ng ating gubyerno. Itong ating Pangulo, sobra ang pagkarahuyo kay Uncle Sam ngunit ang Pangalawang Pangulo, si Teofisto Guingona na walang dudang tunay na makabayan, ay maingat at may reserbasyon sa pakikipag-ugnay sa Kano. Resulta? Sinipa sa pwesto niya bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ang ating bida na ngayo’y nagdiriwang ng kanyang ika-74 na kaarawan. Tsk tsk tsk. Ang pag-ibig nga naman, hahamakin lahat, masunod ka lamang! God bless America and her Gloria!

Kay Pangalawang Pangulong Guingona, huwag pong mag-alala. Ang inyong pagmamahal sa bayan at pagsisikap na protektahan ang ating soberanya ay maitatala at hindi malilimutan–hindi kayo pagtataksilan ng kasaysayan.

Tinig.com Updates

Ang Tinig ng Bagong SalinlahiMay mga updates ako tungkol sa aking paboritong proyekto, ang Tinig.com. Bagong labas na ang ika-15 na isyu at pinaghahandaan na namin ang kasunod. Nakalipat na ito ng bagong web host, at naaayos na ang Tinig.com Forums at Free Web-based E-mail. Kaya kung nag-sign up ka dati sa free e-mail, maaari mo na itong ma-access muli. Pwede ka ring makisali sa diskusyon sa forums. Kita-kits. Hindi sa McDo, kundi sa Tinig.com.

My CyberSpace Language

Noong una, nagpasya akong English ang gamitin sa aking personal website sapagkat kako’y ang audience nito ay pandaigdig. Dati ay mayroon pa akong pahinang may salin sa Filipino. Ngunit mula ngayon, Filipino na pangunahing wika sa Ederic@CyberSpace. Ito ang pambansang wika ng Pilipinas, ang kaluluwa ng lahing Pilipino na kinabibilangan ko. Filipino ang wikang ginagamit ko sa pag-iisip at pagsasalita, at buong layang dumadaloy sa aking diwa ang wikang ito sa tuwing ako’y nagsusulat.