Kuha yan gamit ang isang iMac sa iStudio sa Bonifacio High Street.
Category Archives: Internet at Blogging
1-11-11
Kung noong nakalipas na taon, ninais kong magkaroon ng “Masineng 2010,” na natupad naman dahil napanood ko karamihan sa mga pelikulang gusto kong panoorin, ngayong 2011 ay nais kong mas makapagsulat at makapag-blog.
Magsusulat
“Kailangang magsulat…”
Dalawang oras na ang nakalilipas mula nang i-post ko iyan sa social network sites ko, pero di pa rin ako nakakapagsimula. Gusto ko kasing magbasa muna bago magsulat. Kaya’t binasa (o in-scan) ko ang diyaryong binili ko kanina, binalikan ang mga nakabinbing email, at nagbasa ng blog ng isang kaibigan.
Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA
Bilang bahagi ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolt, inaanyayahan ng Kabataan Partylist ang mga kabataang blogger sa isang blog action day sa Biyernes, Pebrero 25, tungkol sa mga tunay na bayani ng EDSA — ang mga karaniwang tao gaya ng ating mga kapamilya.
Magandang sumali sa gawaing ito upang makatulong tayo sa pagbubuo ng kolektibong kasaysayan ng EDSA 1 mula sa pananaw ng mga di-sikat na taong sumama sa pagbawi ng ating kalayaan mula sa diktaturyang Marcos.
Ang lagi kasi nating nababasang mga tala ng EDSA 1 ay galing sa mga kilalang historyador, pulitiko, peryodista, at iba pang mga personalidad. Ngayon — salamat sa Internet at blogging — maaari na nating isalaysay ang mga pangyayari noon mula sa alaala at perspektiba ng mga taong malalapit sa atin.
