ederic@cyberspace » Unibersidad ng Pilipinas

Eraserheads reunion concert ngayong sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas
Gaya ng maraming kabataan ng dekada 90, naging bahagi ng aking mga karanasan ang mga awitin ng Eraserheads. Minsan ko nang naisulat na “ang mga awitin ng banda ay parang soundtrack ng aking buhay, lalo ng ng aking college life: ‘Minsan’, ‘Sembreak’, ‘Pare Ko’, ‘Yoko’, ‘Overdrive’, ‘Harana’, ‘Para sa Masa’, ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’, at marami pang iba.”

Kapag naririnig ko ang kanilang mga kanta, sinusundo ng himig at tinig ng E-heads ang mga alaala ng aking buhay sa Unibersidad ng Pilipinas: ang Kalayaan Residence Hall at mga nakabarkada ko rito, ang mga bakasyon, ang nangagkawala nang college friends; ang masaya ngunit puno ng pakikibaka, makulit at magulong mga kuwentong Peyups; ang mga gunita ng ‘good old days’.

Kaya naman ngayong ipinagdiriwang ang sentenaryo ng UP, isa ako sa mga naghahangad na makitang muling tumugtog nang magkakasama sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro, na pawang mga taga-UP rin.

Nang mag-post ako sa UPAlumni.net ng download link para sa UP centennial song, ang “UP, Ang Galing Mo!”, sabi ko’y “Naisip ko lang, kung buo pa kaya Eraserheads, sila kaya ang gagawa ng ganito?”

Bago ko pa maisip iyon, noong Disyembre ay nag-post sa Peyups.com ang cyberfriend kong si Erwin Rafael ng ganito:

Pero nung mabalitaan ko na magkakaroon ng UP Centennial concert, napahiling ako na sana, kahit sa nag-iisang gabi lang na iyon, ay magsama-sama muli at tumugtog ang Eraserheads. Maraming bandang nanggaling sa UP, pero ang Eraserheads lang ang banda na automatic na ineequate agad sa pamantasan natin. Naalala ko pa dati na tuwing may nagtatanong sa akin kung saan ako nag-aaral at ang sinasagot ko ay “UP”, halos sigurado na itatanong sa aking susunod ay “E di napapanood mo ang Eraserheads?”

“Kulang kung wala sila,” ayon naman kay Prof. Teodore Te sa kanyang blog:

The centennial tag line is “UP, ang galing mo!” Very apt indeed for the boys who simply wanted to play and sing their own songs, reflective of countless generations of iskolar ng bayan who simply forged ahead, fueled by their dreams of making a difference for their country and their people and, in the process, making an impact, influencing lives, thought and action by simply being who they were trained to be: UP graduates.

Lumipas na ang mismong araw ng senternaryo at naganap ang centennial concent — sa Cultural Center of the Philippines, at di sa UP Diliman campus gaya ng inakala ko — pero walang nangyaring Eraserheads reunion.

Ngunit nitong mga nakalipas na linggo, di pa rin namatay-matay ang isyu ng muling pagsasama-sama ng Eraserheads. Yun pala, may magaganap talagang Eraserheads reunion sa Agosto. Tatalakayin ko ito sa susunod na post.

Manonood ba kayo?

Larawan mula sa the e-site

Kapag nananalo ang UP Fighting Maroons…
(Isinulat habang nakikinig sa “Kapag Nananalo ang Ginebra” ni Bayang Barrios)

Nitong nakalipas na finals ng NBA, tinanong ako ng isang katrabaho at Facebook friend: Celtics daw ba ako o Lakers? Kako’y wala akong bet. Dalawang koponan lang sa basketball lang kako ang kilala ko: Ginebra at UP Maroons.

At sino ba naman ang di nakakakilala sa Ginebra? Añejo pa lang iyan noong elementary ako. Weird nga kasi ang mga kaklase ko, puro Purefoods ata at iilan lang kaming kampi sa team ni Coach Jaworski. Pero wala na akong masyadong balita sa kanila ngayon.

Saka di ako magaling sa basketball. Ni hindi nga ako marunong maglaro. Noong high school, sinubukan ng bestfriend ko na turuan ako, at kontodo moral support at mala-cheering squad ang mga kaibigan naming babae, pero hingal ang inabot ko.

Noong nasa kolehiyo na ako, PE 1, chess, camping at bowling ang PE ko. Pero kahit di athletic, siyempre pagdating sa UAAP, gaya ng ibang taga-UP ay makikipagsigawan din ako para sa UP Fighting Maroons — ang koponan ng Unibersidad sa UAAP basketball. Eh ano kung di sila masyadong nananalo?

Noong 2004, nagtala ang UP Maroons ng anim na sunud-sunod na panalo. Kahit hindi pa rin naging matagumpay nang taong iyon, kahit paano’y nagsimulang bumawi ang koponan. Pero, noong isang taon ay walang naipanalo ang team.

Nitong Linggo, napanood ko sa telebisyon ang pinakaunang laro nila sa UAAP ngayong sentenaryo ng pamantasan. Medyo maingay akong manood at napapabulalas ako ng mga salitang karaniwang expresyon sa amin sa Marinduque: “Gama, gama!” “Tingni pa a!” “Yano baya naman, ee!” Saka napadalas ang updates ko sa Twitter.

Lalo akong na-excite nang ang resulta ay tinambakan ng UP Fighting Maroons ang National University Bulldogs, 86-72. Paunang pasabog pa lang iyan ngayong ikasandaan!

Iskolar ng Bayan sa I-Witness
Tatlong mag-aaral mula sa public school na papasok ng UP Diliman ang sinundan ni Howie Severino para sa I-Witness. Dala-dala ng bawat isa ang pag-asa ng kanilang pamilya at komunidad, at ang tatak bilang miyembro ng centennial batch ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang isa ay anak ng pulis mula sa Leyte, ang isa ay anak ng fishball vendor sa Maynila, at ang pangatlo ay anak ng jeepney driver. Sila ang mga kabataang tunay na maituturing na iskolar ng bayan, sa isang pamantasang unti-unting napupuno na ng mga maykayang mag-aaral mula sa mga exclusive high school.

Makikita natin ang unti-unting paglaki ng kanilang mundo sa pagkilala ng mga bago nilang kaklase at sa pagharap nila sa ilang di inaasahang pangyayari. Ginulat sila ng mga ralyista sa kanilang freshman orientation. Ito ang tila naging hudyat ng magiging buhay nila sa pamantasan.

Danasin ang buhay ng mga “Iskolar ng Bayan” sa dokumentaryo ni Howie Severino mamayang hatinggabi sa I-Witness.

UP Sentenaryo
Ika-100 taong anibersaryo ng Unibersidad ng Pilipinas kahapon. Gusto ko sanang pumunta sa campus para mailahok sa pagdiriwang, pero nang magising ako’y nasa kalagitnaan na ng selebrasyon sa Diliman. Sinundan ko na lang ang live updates ni JM sa Twitter (tingnan ang mga larawan sa blog niya; sa mga galing sa Google, sorry, walang oblation run pictures, hehe). Itinuloy ko rin ang pangongolekta ng URL ng UP bloggers para sa blog directory ng UPAlumni.net.

Balak ko sanang yayain si Mhay sa kampus pagkauwi ko galing opisina kagabi, pero kahapong umaga ko lang nalaman na ang Pamantasang Hirang centennial concert pala ay hindi sa UP gagawin, kundi sa Cultural Center of the Philippines. Eh kung sumugod man kami roon kagabi, baka pagdating namin ay puno na lahat ang 1,800 na upuan. Di na nga napagbigyan ang lahat ng mga hinihinging tiket ng mga opisina sa Diliman. Sabagay, hanggang bukas na gabi pa naman iyan.

Kaso lang, mas masaya sana kung yung concert ay gaya nung centennial kick-off party sa UP Diliman Amphitheater noong Enero. Bukas at libre para sa lahat. Wish ko pa nga, makatugtog ang reunited Eraserheads sa ganoong klase ng concert para sa sa sentenaryo. Yung nga lang, imahinasyon ko lang pala ang concert na yun, at mukhang wala na rin namang pag-asang magbalikan ang Eraserheads.

Kaya, tingnan na lang natin  sa official calendar of events kung alin sa iba pang mga gawain kaugnay ng senternaryo ang puwede nating lahukan. At siyangapala, extended ang deadline sa pagpapadala ng pictures at video sa aming proyektong UP@100: Capturing 100 UP Moments.

Anu’t anuman, marami pang mga mahahalagang bagay at usaping dapat pag-usapan ngayong ika-100 taon ng pamantasan, tulad ng bagong charter, ang 300% tuition increase, ang mababang suweldo ng mga guro, ang mababang pondo ng UP, commercialization ng university assets, ang binagong curriculum, ang pagbulusok ng ranking natin, ang muling pangunguna ng mga aktibistang estudyante, at ang nagbabagong katangian ng mga taga-UP.

Sa gitna ng lahat ng yan, patuloy na kinikilala ng buong bansa ang di-matatawarang papel ng UP sa kasaysayan at pagsulong ng Pilipinas. Maligayang sentenaryo, mga kapwa ko Iskolar ng Bayan!

UP@100: Capturing 100 UP Moments
Inilulunsad ng ilang bloggers na taga-UP, sa pangunguna ni Coy, ang isang proyekto para sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas ngayong Hunyo — ang “UP@100: Capturing 100 UP Moments”. Isa itong music video project na mag-iipon ng may 100 larawan at video mula sa mga alumni at mag-aaral ng UP. Layunin nitong maipakita ang 100 kakaibang sandali sa UP mula sa 100 iba’t ibang pananaw sa nakalipas na isandaang taong pag-iral ng Pamantasan.

Inaanyayahan namin kayong sumali sa gawaing ito. Narito ang mga panuntunan:

I. Sino ang maaaring sumali:

1. Sinumang nagtapos sa UP

2. Sinumang mag-aaral sa UP

II. Paano ipasa ang inyong larawan o video:

1. Ang bawat kalahok ay maaaring magpadala ng dalawang larawan (may kasama man siya o wala) o isang 15-segundong video na kinunan sa UP o sa isang pangyayari sa UP.

2. Bawat lahok ay dapat lagyan ng sumusunod na impormasyon:

– Pangalan

– Student Number

– Degree at Kurso

– Dalawa hanggang limang salita tungkol sa pangyayari (isama ang taon kung kailan kinunan ang larawan o video)

– Kung may mga kasama sa larawan o video, pakisabi kung alin kayo

3. Ang lahok ay maaaring ipasa sa pamamagitan ng:

– Pagpapadala sa file (larawan/video) attachments sa up100[at]googlegroups[dot]com o sa ederic[at]upalumni[dot]net

– Pagpo-post ng larawan sa blog ng kalahok at pag-iiwan ng comment dito sa official UP@100 post na ito.

– Pag-a-uploading ng video sa alinmang file at pag-iiwan link bilang comment sa post na ito.

4. Isang lahok lamang ang tatanggapin mula sa bawat sasali.

5. Ang taning ng pagpapadala ng lahok ay sa Hunyo 19, 2008, isang araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Sentenaryo ng UP ( para maisama ang mga larawan mula sa pagdiriwang).

6. Ilulunsad ang video sa Hunyo 26, 2008 sa blogs ng lahat ng mga organizer.

7. Kasabay nito, isang microsite ang gagawin para sa proyekto at doo’y ipo-post ang lahat ng mga larawan at video na ipinasa sa proyektong ito.

Ang UP@100 coordinators ay sina Coy, Juned, Benj, Fritz, Ederic, Poyt, Gino, Karla, Kevin and AJ.

Hihintayin namin ang inyong masasayang sandali sa UP!

DISCLAIMER: Ang Proyektong UP@100 ay hindi kabilang sa opisyal na mga gawain sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Isa itong volunteer effort at proyekto ng ilang mag-aaral at nagtapos sa UP.

Wait lang
Narito pa rin ako.

Di lang makasulat dahil sa di magandang nangyari sa amin nitong nakalipas na linggo, bukod pa sa  may hinahabol na deadline at di kabilisang koneksyon.

Kita-kits sa mga susunod na araw. Pasyal din kayo sa MakaPalm at iba pang sites ko.

Congrats ulit, Bikoy! Ipinagmamalaki ka ng BK Crew.

Isang may yabang na sentenaryo
UST: We accept only wise students.

LA SALLE: We accept students who are great.

ATENEO: We accept only the best students.

UP: We don’t accept the best, great or wise students… We make them. Isang may yabang na sentenaryo para sa ating certified taga-UP!

Maikling talumpati ng ina ni Cris Mendez
Nakuha ko ang talumpati sa ibaba sa blog ni Arbet at sa blog ni Marian Panganiban, ang kinatawan ng School of Economics sa University Student Council. Kumakalat na rin ito sa email at mga online forum.

Maikling Talumpati ni Gng. Cristina Garcia Mendez, ina ni Cris Mendez, sa National Conference to Stop Hazing noong Disyembre 11, 2007 *

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang Jj Ocana na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”

Kahit nakagawa ng mali, kakampihan pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pagtatakpan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-wala rin. Kahit bulong ng konsensya nila ay di pinapansin.

Mag-aapat na buwan na po mula nang saktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-awa kong anak. Ang napakabait kong anak. Kami po ay isang mahirap na pamilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fraternities at ang kanilang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itinuro sa akin ng aking mga magulang na itinuro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kapatid na si Renz. Ito ay ang magkaroon ng takot sa Diyos. Ang paggawa ng tama. Ang pagmamahal sa kapwa. Ang pagharap sa responsibilidad at paggalang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nakagawa ng mali.

Yung ito lamang po sana ang tenets ng mga fraternities hindi po siguro nangyari ang nangyari sa aking anak.

Salamat po.

* Si Cris Mendez, nasa ikaapat na taon sa kursong public administration sa UP,  ay patay na nang dalhin sa Veterans Memorial Medical Center  noong madaling araw ng Agosto 27, 2007. Sumailalim siya sa hazing ng Sigma Rho fraternity bago siya bawian ng buhay. Ang National Conference to Stop Hazing ay itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education at UP Student-Led Anti-Hazing Watch.

Justice for Cris Anthony Mendez Video
<object width="360" height="297"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/gCY712k9XCI"></param><param name="wmode" value="transparent"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/gCY712k9XCI" type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" width="360" height="297"></embed></object>

Sa post-party gimik kagabi pagkatapos ng pinakaunang Bloggers’ Kapihan, ipinakita ni The Jester-in-Exile kina Shari ang video sa itaas. Gawa ito ni adrianatorres1111.

“The video is so powerful that I was left speechless for a couple of minutes,” ayon kay Shari. Nag-freak out naman daw si JM nang makita niya ito.

Pinag-usapan din namin nina Jester-in-Exile at Shari ang kaso ni Cris Anthony Mendez. Hindi pare-pareho ang aming opinyon tungkol sa isyung ito, pero lahat kami’y nakikiisa sa panawagan ng hustisya para sa kanya.

30 na sana siya
Niño Calinao would have been 30 today. But he already wrote 30 on that fateful day eight years ago.

Kahit wala na siya, inalala pa rin namin noon ang kanyang kaarawan. May kuwento ako sa Birthday ng Isang Kaibigang Pinaslang.

Ngayong taon, ni hindi ko nakausap ang kanyang mga kaibigan. Di na rin nagkita-kita ang barkada naming kanyang sinamahan noon.

At sa bayang itong puno ng kabalitunaan, sumapit ang kaarawan ni Niño habang nagluluksa ang pamilya at mga kaibigan ni Cris Anthony Mendez, ang umano’y Sigma Rho fraternity neophyte na hinihinalang namatay sa hazing.

Ilang taon na ang nakalilipas, habang isinasagawa ang Kalinaw concert sa alaala ni Niño, namatay naman ang Alpha Phi Beta brother na si Den Daniel Reyes matapos makipagsaksakan sa mga kaaway na kasapi ng Sigma Rho.

Narito ang listahan ng mga katulad nina CA, Niño at Daniel: Casualties of fraternity-related violence in UP.