Narito ang isang awiting pinagtulung-tulungang buuin ng mga Pilipinong musikero bilang suporta sa kampanya ng Design Against the Elements, isang timpalak na humihikayat sa mahuhusay na mga arkitekto sa buong mundo na bumuo ng mga disenyo ng mga bahay tatagal sa gitna ng mga sakunang dala ng nagbabagong klima.
Category Archives: Pagsamba’t Pakikibaka
Sa dako pa roon
Undas na naman. Marami sa atin ang bumisita sa mga sementeryo para alalahanin ang mga kamag-anak na nauna na sa dako pa roon. Namulat na tayo sa paniniwala sa kabilang-buhay. Pero ano nga ba ang pagkakaunawa natin dito?
Ano ang kontribusyon natin sa paglaban sa climate change?
Umabot pa sa 11th hour ng Blog Action Day itong post ko.
Climate change ang umuugong na paksa sa blogosphere sa araw na ito. Nagbabago ang klima dahil sa pag-init ng daigdig (global warming), na dulot naman ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang gasses. Nangyayari to dahil sa patuloy at malawakang paggamit ng fossil fuel bilang pinagkukunan ng enerhiya.
Ayon sa PAGASA, ang naranasan nating malaking baha sa Kamaynilaan na dala ng bagyong Ondoy ay epekto na ng pagbabago ng klima. Naulit ang trahedyang dala ni Ondoy nang rumagasa naman ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon.
Kung ganitong masama ang epekto ng climate change sa atin, ano ang maaaring gawin ng mga karaniwang taong gaya natin para mapigilan ito? Sa unang tingin, iisiping ang pananagutang pigilan ito ay nasa malalaking mga bansa at mga korporasyon at mga mamamayan ng mga bansang ito. Sila kasi ang matinding gumamit ng enerhiya ng mundo.
Nakakagalit
Galing sa buwis ng mga magulang ng mga kabataang ito ang walang patumanggang nilulustay sa pagpapakabundat ng mga nakatira sa palasyong sinugod nila. Nang sila’y pumalag, ito ang kanilang napala:
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV